Ryzza Mae Dizon, sinorpresa ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan

Ryzza Mae Dizon, sinorpresa ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan

- Hindi maitago ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang pagkagulat sa sorpresa sa kanya ng Dabarkads

- Makikita sa video na naibahagi sa TVJ Productions Inc. Instagram account ang naging reaksiyon ni Ryzza

- Naging emosyonal pa ito nang makita ang mga taong malapit sa kanya na naroroon para ipagdiwang ang kanyang kaarawan

- Matatandaang nitong June 12, 2024 ay nagdiwang ng kanyang 19th birthday si Ryzza

Hindi maitago ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang pagkagulat at kasiyahan nang surpresahin siya ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan. Makikita sa video na naibahagi sa TVJ Productions Inc. Instagram account ang naging reaksyon ni Ryzza nang salubungin siya ng kanyang mga kaibigan at pamilya.

Ryzza Mae Dizon, sinorpresa ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan
Ryzza Mae Dizon, sinorpresa ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan
Source: Instagram

Sa nasabing video, kitang-kita ang pagkabigla at tuwa ni Ryzza nang bumungad sa kanya ang mga taong malapit sa kanyang puso. Naging emosyonal pa ang batang aktres at TV host nang makita ang suporta at pagmamahal ng kanyang mga mahal sa buhay at mga kasamahan sa trabaho.

Read also

Pops Fernandez at Martin Nievera, kinaaliwan sa kanilang bonding moment kasama ang apo

Matatandaang nitong Hunyo 12, 2024, ay ipinagdiwang ni Ryzza ang kanyang 19th birthday. Sa kabila ng mga abalang iskedyul, siniguro ng Dabarkads na magiging espesyal ang birthday ni Ryzza. Ang sorpresa ay puno ng kasiyahan, halakhak, at mga emosyonal na sandali.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maraming netizens ang natuwa at bumati kay Ryzza sa kanyang espesyal na araw. Ang kanilang komento ay puno ng paghanga at pagmamahal para sa batang aktres na minahal ng publiko mula pa noong siya'y bata.

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".

Muling pinanood ni Ryzza Mae kasama ang kanyang mama ang ilang videos ng dating child star. Kabilang sa pinanood nila ang pagkapanalo ni Ryzza Mae sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang ina at maging si Ryzza Mae habang binabalikan ang tagpong nagbago sa kanilang buhay. Pinanood din nila ang ilan sa mga viral na video na kuha sa talk show na The Ryzza Mae Show.

Masayang ibinahagi ni Ryzza Mae ang kanyang house update sa pinapagawa niyang bahay. Kung sa mga naunang vlog episode niya ay inisa-isa niya ang mga bahagi ng kanilang bahay na unti-unting naayos, sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kabuuan ng natapos na sa kanilang bahay. Aniya, 90 porsyento na ng kanyang bahay ang natapos kaya isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong tumulong upang magawa ang kanyang bahay. Marami sa mga netizens ang natuwa at na-inspire kay Ryzza dahil sa murang edad nito ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate