Ryzza Mae Dizon, ipinakita ang kanyang pinapagawang bahay na 90% nang tapos

Ryzza Mae Dizon, ipinakita ang kanyang pinapagawang bahay na 90% nang tapos

- Mayasang ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang house update sa pinapagawa niyang bahay

- Kung sa mga naunang vlog episode niya ay inisa-isa niya ang mga bahagi ng kanilang bahay na unti-unting naayos, sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kabuuan ng natapos na sa kanilang bahay

- Aniya, 90 porsyento na ng kanyang bahay ang natapos kaya isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong tumulong upang magawa ang kanyang bahay

- Marami sa mga netizens ang natuwa at na-inspire kay Ryzza dahil sa murang edad nito ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malapit nang matapos ang pinapatayong bahay ni Ryzza mae Dizon para sa kanya at sa kanyang pamilya. Nasa 90 porsyento na ang pagkakagawa sa kanyang bahay kaya't konting-konti na lang ay tuluyan na itong matatapos.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng picture niya kasama ang kanyang anak

Ryzza Mae Dizon, ipinakita ang kanyang pinapagawang bahay na 90% nang tapos
Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)
Source: Instagram

Kung sa mga naunang vlog episode niya ay inisa-isa niya ang mga bahagi ng kanilang bahay na unti-unting naayos, sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kabuuan ng natapos na sa kanilang bahay.

Ibinahagi niya na mayroon nang mga tiles sa sahig at palikuran ng kanilang bahay. Dalawang palapag ito. Marami naman sa mga netizens ang masaya at na-inspire kay Ryzza na sa murang edad ay nakatulong na sa kanyang pamilya upang magkaroon ng sariling bahay.

Sa naturang vlog episode ay piasalamatan din ni Ryzza ang mga taong tumulong upang mabuo ang pinapangarap na bahay para sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".

Read also

Ivana Alawi, nagpa-handcuffed challenge sa pamilya; naisipang ipamahagi ang premyo

Matapos nga ang pandemya, bilang isang menor de edad, naapektuhan ang trabaho para kay Ryzza. Gayunpaman, sa pamamagitan ng social media ay updated ang kanyang mga tagasuporta sa pangyayari sa kanyang buhay.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang video ni Ryzza nang maiyak ito habang nanonood ng Hello Love, Goodbye.

Ibinahagi niya rin ang isang house tour para ipakita sa kanyang mga tagasuporta ang kanyang naipundar.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel