Carlo Aquino, nagbahagi ng picture niya kasama ang kanyang anak

Carlo Aquino, nagbahagi ng picture niya kasama ang kanyang anak

- Matapos ang ilang linggo na naging laman ng showbiz news, nagbahagi si Carlo Aquino ng picture niya kasama ang anak na si Enola Mithi

- Gayunpaman, wala pa rin itong post na magkasama sila ng ina ng kanyang anak—si Trina Candaza

- Dahil dito ay tila marami ang nakukumbinsing hiwalay na nga ang dalawa kahit wala pa silang nilalabas na pahayag kaugnay sa isyu

- Matatandaang lumabas ang balitang ito matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na ang isa't-isa sa kani-kanilang Instagram account

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos mapabalitang paghihiwalay nila ni Trina Candaza, nanatiling tahimik si Carlo Aquino kaugnay sa isyu. Sa unang pagkakataon simula nang pumutok ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay, nakapagbahagi si Carlo ng picture nila ng kanyang anak na si Enola Mithi.

Carlo Aquino, nagbahagi ng picture nila ng kanyang anak
Carlo Aquino at Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Walang diretsahang pahayag ang dalawa kung totoo ang balitang hiwalay na sila. Gayunpaman, lumabas ang espikulasyon tungkol dito matapos ang mga makahulugang social media posts ni Trina. Wala ding nilalabas na pahayag ang aktor ngunit kapansin-pansin ang kanyang mga hugot song covers sa kanyang TikTok account.

Read also

Reporter, napahinto sa pag-uulat para matulungan ang mga lumilikas na Ukrainian

Matatandaang sa isang vlog ay nabanggit na rin ni Trina ang tungkol sa paghiram ni Carlo sa kanilang anak na para sa mga netizens ay nangangahulugang nagco-coparenting sila sa kanilang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin din sa kanilang mga social media posts na hindi na sila magkasama hindi kagaya noon na palagi silang may post na magkasama.

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon. Ibinahagi din nila sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Trina noon.

Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel