Ivana Alawi, nagpa-handcuffed challenge sa pamilya; naisipang ipamahagi ang premyo

Ivana Alawi, nagpa-handcuffed challenge sa pamilya; naisipang ipamahagi ang premyo

- Naisipan ni Ivana Alawi na magpa-handcuffed challenge sa kanyang pamilya

- Ito ay bilang bonding niya gayung mayroon siyang lock-in taping sa magiging bago niyang teleserye

- Naka-handcuff niya ang kapatid na si Mona habang ang kanyang ate Amira ay naka-handcuff sa kanilang Mama

- Si Hash na siyang humahawak ng mga susi ng posas ay di tinanggap ang premyo ibinahagi sa kanila at naisip na lang na ibigay ito sa limang masuswerteng mga viewers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bago magtungo si Ivana Alawi sa kanyang dalawang linggong lock-in taping, naisipan niyang niyang magpa-handcuffed challenge sa kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na maybagong proyekto si Ivana sa Kapamilya Channel kaya naman bago mawalay sa kanyang family, siniguro niyang nakapag-bonding muna siya sa mga ito.

Ivana Alawi, nagpa-handcuffed challenge sa pamilya; naisipang ipamahagi ang premyo
Sina Ivana at Mona Alawi sa kanilang handcuffed challenge
Source: Facebook

Sa naturang challenge, naka-handcuff niya ang kapatid at tinuturing niyang kapatid na si Mona Alawi.

Read also

Angeline Quinto, nabanggit ang pangalan ng kanyang baby boy habang namimili online

Ang kanila namang Mama Alawi ay ka-handcuff ang kanilang ate Amira at siyang naunang sumuko sa naturang challenge.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang si Hashim naman ang keeper of keys ng mga posas ng pamilya.

Sa pamamahagi ng premyong Php100,000, naisipan nina Ivana at Mona na siyang mga panalo na ibahagi rin ang premyo kina Hashim at Amira gayundin sa kanilang Mama Alawi.

Ngunit dahil pakiramdam ni Hashim na wala naman umano siyang ginawa kundi ang magtago ng mga susi, naisipan niyang ibahagi na lamang ang premyo sa kanilang viewers. Sinang-ayunan naman ito nina Ivana kaya naman limang masuwerteng mga viewers nila ang mabibigyan ng Php4,000.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Dub King, nabiktima umano ng holdap sa loob mismo ng coffee shop sa SM MOA

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel