Ice Seguerra, naikwentong medyo na-trauma umano sa simbahan

Ice Seguerra, naikwentong medyo na-trauma umano sa simbahan

- Naikwento ni Ice Seguerra ang umano'y karanasan nila ng kanyang asawang si Liza Diño-Seguerra sa simbahan

- Aniya, medyo na-trauma siya sa nangyari lalo na't hindi niya alam kung ito ba ay sadya o hindi

- Gayunpaman, naibahagi rin niya ang personal na opinyon sa nangyari

- Matatandaang sina Ice at Lisa ay ikinasal noong 2014 sa San Francisco, California

Naibahagi ni Ice Seguerra ang umano'y naging karanasan niya nang minsang nagtungo sila ng simbahan ng kanyang asawa na si Liza Diño-Seguerra.

Ice Seguerra, naikwentong medyo na-trauma umano sa simbahan
Ice Seguerra, naikwentong medyo na-trauma umano sa simbahan (Liza Diño-Seguerra)
Source: Facebook

Sa programang Roundtable with Roby ng One News PH, naidetalye ni Ice ang nangyari.

"Medyo na-trauma, ako 'nun sa church. Kasi I remember when we got married, nagpunta kami ng church ni Liza. Ginawa kaming homily," pagbabalik-tanaw ni Ice.

"They talked about us. You know, getting married and how it's a sin and everything. while we're there."

Read also

Jake Ejercito, inulan ng papuri sa sweet Father's Day post kasama si Ellie

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi ko nga alam kung mas okay na alam nilang nandun kami kaya nila pinag-uusapan. Or hindi nila alam na nandu'm kami at pinag-uusapan talaga,"
"But either way, I'd rather be parked... Parang Do I even have to be in an institution so that I could say that you know, I have a god or that God loves me and I love God? It should be, for me ah... It should be a personal relationship," giit pa niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ice na mula rin sa One PH:

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami.

Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Read also

Kim Chiu, tinawag na 'queen of character development' ng kaibigang si Bela Padilla

Sa kasagsagan noon ng kontrobersiya sa pagitan ng TAPE Inc. at ng Tito, Vic and Joey, nanindigan umano si Ice na hindi siya magiging guest lalong hindi siya magiging bahagi ng anumang katapat na programang pangtanghali ng Eat Bulaga. Katunayan, nakasaad umano ito sa kanyang pinirmahang kontrata. Bukod sa kung ano pa man, trinato niya bilang pamilya ang mga host noon ng Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel