Ice Seguerra: "I don't guest in any show na katapat ng 'Eat Bulaga' and it's even in my contract"

Ice Seguerra: "I don't guest in any show na katapat ng 'Eat Bulaga' and it's even in my contract"

- Sinabi ni Ice Seguerra na kailanman'y 'di siya nag-guest sa anumang programang katapat ng ]Eat Bulaga'

- Aniya nasa kontrata pa niya talaga ito noon pa man bilang pagpapahalaga sa TVJ

- Kahit pa umano may mga kaibigan siya sa 'It's Showtime', hindi niya raw talaga mapauunlakan ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Si Ice Seguerra ay isa sa mga kilalang personalidad na produkto ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga

Hindi raw umano tumatanggap ng alok na TV guesting si Ice Seguerra kung ang schedule ng show ay magiging katapat ng Eat Bulaga.

Ice Seguerra: "I don't guest in any show na katapat ng Eat Bulaga and it's even in my contract"
Ice Seguerra (@iceseguerra)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito umano ang paraan ni Ice upang ipakita ang pagpapahalaga sa kanyang itinuturing din na pamilya.

"Like what I said, hindi ko tatablahin ang TVJ. Kahit ano pang show. I mean I have friends with It's Showtime. But when they would ask me can you guest here, I would alwasy say, pasensya na po. I don't guest in any show na katapat ng Eat Bulaga," ang sagot ni Ice nang matanong siya ni Aster Amoyo ukol sa nangyari.

Read also

Cristy, nabalitaang 80% ng mga sponsors ng TVJ noon sa GMA ay sumama sa TV5

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"And it's even in my contract. Nakalagay dun, any show na katapat ng Eat Bulaga, hindi ko sasamahan." dagdag pa niya.

Bukod sa kung ano pa man, trinato niya bilang pamilya ang mga host noon ng Eat Bulaga.

"I really treated them as family. Like you know I have weekends sa bahay ni Tito Vic with his kids. Sina Oyo, si Ate Danica... It's because of my personal relationship with them."

Narito ang kabuuan ng kanyang mga pahayag mula sa YouTube channel na TicTalk with Aster Amoyo.

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami.

Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Read also

Ice Seguerra sa isyu ng Eat Bulaga: "My loyalty remains with TVJ"

Ilan sa mga sikat na artista na naging sumali rin sa nasabing patimpalak na ito ay sina Cammille Prats, Julie Anne San Jose at maging si Pauleen Luna.

Sa ngayon, pinakaaabangan ng marami ang bagong noontime show na pangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa bago nilang tahanan sa TV5.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica