Jake Ejercito, inulan ng papuri sa sweet Father's day post kasama si Ellie

Jake Ejercito, inulan ng papuri sa sweet Father's day post kasama si Ellie

- Inulan ng pagbati si Jake Ejercito sa kanyang post ngayong Father's Day

- Nagbahagi rin siya ng ilang mga larawan nila ni Ellie mula pa noong baby pa lang ito

- Bukod sa pagbati, marami ang pumuri kay Jake sa pagiging mabuting ama nito kay Ellie

- Matatandaang madalas na laman ng social media post ni Jake ang kanyang unica hija

Marami ang bumati kay Jake Ejercito sa kanyang post bilang bahagi ng pagdiriwang ng Father's Day.

Jake Ejercito, inulan ng papuri sa sweet Father's day post niya kay Ellie
Jake Ejercito, inulan ng papuri sa sweet Father's day post niya kay Ellie (Jake Ejercito)
Source: Facebook

Makikita roon ang mga larawan nila ni Ellie na siyang dahilan kung bakit masaya niyang ipinagdiriwang ang araw na ito.

Maliban sa mga Father's Day greetings, marami rin ang nagsamantala ng pagkakataong ito para papurihan ang kahanga-hangang pagpapalaki ni Jake kay Ellie.

Narito ang ilang komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's day'

"You deserve a praise as a model Dad. Salute!"
"Happy father’s day Jake Ejercito. Napakabuti mo sa 'yong anak sobra kang mapagmahal sa kanya"
"The best co-parenting model. Napakaswerte ni Ellie"
"Such an amazing father to Ellie"
"Ellie is so lucky to have you"
"Indeed a very happy father to her very beautiful daughter"
"You're the best example of being a good father"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.) Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang Linlang at Can't Buy Me Love.

Read also

JoWaPao, emosyonal sa natanggap na Father's Day surprise

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Jake na thankful umano siya kay Philmar Alipayo na bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie. Alam niyang inaalagaan din umano ni Philmar ang kanyang anak. Wala rin umanong reklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad.

Sa naturang interview rin niya nakwento ang kanyang pinagdaanan sa kasagsagan ng impeachment trial ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Aminado siyang nabu-bully noon sa paaralan. Napapatawag din umano siya noon ng guidance counselor hindi dahil siya ay may nagawang mali kundi concerned umano ang mga ito sa kung paano niya dinadala ang sitwasyon na iyon sa murang edad niyang sampung taong gulang pa lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel