Jake Ejercito, nang ma-impeach noon ang amang si Erap: "Naaalala ko lang pinagrorosaryo ako"
- Nausisa ni Ogie Diaz si Jake Ejercito tungkol sa karanasan nito nang ma-impeach ang amang si Erap
- Ani Jake, na-bully siya noon dahil dito subalit hindi na rin niya tinangkang lumaban
- Sa mismong paaralan nila, naikalat ang circular na naghihikayat sa mga estudyante na pumunta sa EDSA at sumigaw ng 'Erap resign'
- Aminadong tila namanhid na umano siya sa mga panahong iyon sa edad na 10
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Natanong ni Ogie Diaz si Jake Ejercito ukol sa napagdaanan nito sa panahong na-impeach ang amang si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada o mas kilala sa tawag na Erap.
Aminado si Jake na na-bully sa mga panahong ito at pinili niyang hindi lumaban.
"Kahit before Edsa Dos. Sa impeachment pa lang. Meron 'yung sa gate pa lang ng school, 10 years old dala-dala ko 'yung bag ko nakahilera sila. Mga higher batch, syempre 'di ba? 'Erap Resign, Erap resign'"
"Wala syempre, chin down ka nalang, dire-diretso. Wala ka namang magagawa e, hindi ka naman makakalaban, Kung lumaban ako 'nun, pangit din yung labas."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Alam din naman daw ito ng mga namamahala ng kanilang paaralan. Katunayan, madalas siyang nasa guidance office gayung lagi siyang kinukumusta ng kanilang guidance counselor.
"Parang araw- araw akong pinapatawag sa guidance counselor. pero hindi dahil ako 'yung may kasalanan. They were also concerned... Naaalala ko lang pinagrorosaryo ako"
Inalala rin niya ang pagkakataong maging siya ay nakatanggap ng circular sa paaralan na naghihikayat sa mga mag-aaral na magtungo sa EDSA at makiisa sa pagsigaw ng umano'y pagpapatalsik sa kanyang ama.
"I studied in a catholic school. And i remember that time, si Cardinal Sin ang archbishop natin, pinapapunta niya lahat sa EDSA para mag-protest, manawagan na mag-resign si Erap."
"So sa school, nag-release sila ng circular form to all the students inviting them to go to EDSA para mag-protest. Pati ako nakatanggap ng circular na 'yun... Pinapapunta ako ng EDSA para sumigaw ng ERAP resign."
"Manhid na ako nung time na yun, Pero after everything that happened, I had a chance to take a step back, It was too overwhelming," ani Jake.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube:
Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)
Sa naturang interview din ni Ogie Diaz kay Jake, nabanggit nito kung gaano siya nagpapasalamat kay Philmar Alipayo bilang stepdad ng anak niyang si Ellie. Aniya, alam niyang naaalagaan din ni Philmar ang kanyang anak.
Samantala, madalas na kagiliwan ng publiko ang cute convo nina Jake at Ellie. Gayundin ang kanilang mga larawan na patunay lamang na maayos lumalaki ang anak sa sistema ng co-parenting nina Jake at Andi Eigenmann.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh