Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"

Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"

- Nag-post si Annabelle Rama kaugnay sa kanyang saloobin sa aniya'y taong nagmamalinis

- Aniya, napakainit daw ng ulo niya dahil sa taong kanyang tinutukoy na hindi niya pinangalanan

- Dagdag pa niya, para daw itong kung sinong santa at dinugtungan pa ng salitang 'maniac'

- Tila nagpahiwatig naman ito na may ilalabas siya sa susunod na araw dahil sa kanyang sinabing abangan daw ang kanyang kwento

Hindi napigilan ni Annabelle Rama na mag-post upang ihayag ang kanyang saloobin. Aniya, nag-iinit ang ulo niya dahil sa taong nagmamalinis.

Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"
Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"
Source: Facebook
Napaka init ng ulo ko ngayon oras na ito. Gusto kung manampal at manabunot ng tao nag mamalinis akala mo kung sinong santa maniac.

Tila nagpahiwatig naman ito na may ilalabas siya sa susunod na araw dahil sa kanyang sinabing abangan daw ang kanyang kwento.

Abangan nyo bukas ang kwento ko

Read also

Jamie Bautista, kinumpirmang hiwalay na sila ni Anthony Leodones

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala itong binanggit na pangalan sa kanyang post. Gayunpaman, umani ng mga reaksiyon at samu't-saring komento ang post niyang ito.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel