Jamie Bautista, kinumpirmang hiwalay na sila ni Anthony Leodones

Jamie Bautista, kinumpirmang hiwalay na sila ni Anthony Leodones

- Kinumpirma ni Jamie Bautista na hiwalay na nga sila ni Anthony Leodones matapos magsama sa loob ng 9 na taon

- Sa kanyang post ay binalikan ni Jamie kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan at aminado siyang sobrang bata pa nila noon

- Aniya, dahil sa nagawang kasalanan ni Anthony ay naapektuhan ang kanyang pakikitungo dito kahit nakikita niya kung paano daw ito bumawi sa kanya

- Dagdag pa niya, sa pakiramdam niya ay hindi niya na kaya itong mahalin sa paraang kung paano dapat niya itong mahalin at sa tingin niya ay unfair ito para kay Anthony

Kinumpirma ni Jamie Bautista na hiwalay na sila ni Anthony Leodones na nakarelasyon niya sa loob ng 9 na taon. Aminado si Jamie na nabawasan ang pagmamahal niya kay Anthony dahil sa nagawa nitong pagkakamali noon.

Jamie Bautista, kinumpirmang hiwalay na sila ni Anthony Leodones
Jamie Bautista, kinumpirmang hiwalay na sila ni Anthony Leodones
Source: Facebook

Sa kanyang post ay nagbigay ng mensahe si Jamie para kay Anthony kung saan binalikan niya ang kanilang pagsisimula.

Read also

Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"

Anthony, We've been together for 9 years at ayun yung mga pinaka masayang taon ng buhay ko. We were 16 and 18 nung nagkakilala tayo, 18 ka naman at 20 ako nung mapagdesisyunan natin na magpakasal.

Aniya, ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan pero napagtanto niyang hindi daw pwedeng puro pagmamahal lang at kailangan din nilang mag-grow.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang daming nangyare be.. akala ko kaya ko parin ipaglaban kahit anong pangit ang mangyare sa relasyon natin, akala ko kaya ko..

Dahil sa nagawang kasalanan ni Anthony ay naapektuhan ang kanyang pakikitungo dito kahit nakikita niya kung paano daw ito bumawi sa kanya.

Sinubukan ko naman diba? Sinubukan naman natin? pero di ko na namamalayan na unti unti na rin pala akong nauubos, unti unti tayong nauubos.. Parang unti unti hindi ko na nakikilala yung sarili ko, aminado ako na nag-iba yung pakikitungo ko sayo, nag-iba yung ugali ko sayo at alam kong nasasaktan narin kita. Dahil sa nangyari in the past, aminado akong nabawasan talaga yung pagmamahal ko sayo, hindi na kita kayang mahalin kung paano kita dapat mahalin at alam kong ang unfair non dahil nakikita ko kung paano ka bumawi sakin at paano mo pagsisihan yon.. Siguro kailangan ko muna rin talaga magheal pong, kelangan ko din ayusin yung sarili ko para na rin sa ikakabuti ng bawat isa.. Gusto ko lang din sabihin na mag-ingat ka palagi, wag mo pababayaan yung sarili mo

Read also

Andrea Brillantes, sinorpresa ng motor ang dalawang kasambahay nila

Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.

Matatandaang binahagi nina Anthony at Jamie ang ilan sa mga pinagdaanan nila sa isa sa kanilang vlog. Naikwento ni Anthony ang tungkol sa pag-amin niya ng kanyang kasalanan na kanyang nagawa noong 2017 pa. Taong 2021 lamang niya umano inamin ang kanyang pagkakamali ngunit gusto niya umamin sa mga taong mahalaga kay Jamie. Naging emosyonal ito dahil sa kabila umano ng kanyang pag-amin ng pagkakamali niya ay pinili ni Jamie na huwag siyang masira sa mga tao.

Inihayag naman ni Toni ang kanyang kasiyahan na makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony at ang boyfriend niyang si Vince Flores. Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan. Hanggang sa dumating umano sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya. Sa unang pagkakataon ay masaya umano siyang hindi na niya kailangang mamili sa kaibigan at karelasyon dahil magkasundo sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel