Anthony Leodones, inaming nagkamali siya kay Jamie Bautista noong 2017

Anthony Leodones, inaming nagkamali siya kay Jamie Bautista noong 2017

- Sa isang panibagong video, binahagi nina Anthony Leodones at Jamie Bautista ang ilan sa mga pinagdaanan nila

- Naikwento ni Anthony ang tungkol sa pag-amin niya ng kanyang kasalanan na kanyang nagawa noong 2017 pa

- Taong 2021 lamang niya umano inamin ang kanyang pagkakamali ngunit gusto niya umamin sa mga taong mahalaga kay Jamie

- Naging emosyonal ito dahil sa kabila umano ng kanyang pag-amin ng pagkakamali niya ay pinili ni Jamie na huwag siyang masira sa mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binalikan ng vlogger na sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ang kanilang pinagdaanan mula nang magsimula ang kanilang relasyon. Naibahagi ni Anthony na apat na taon niyang naitago ang kanyang nagawang pagkakamali kay Jamie. Pinili niyang umamin kahit walang kaalam-alam si Jamie.

Anthony Leodones, inaming nagkamali siya kay Jamie Bautista noong 2017
Screenshot from Anthony Leodones/YouTube
Source: Facebook

Nangyari umano ang kanyang pagkakamali noong 2017 nang nasa LDR sila dahil nasa Japan si Anthony noong para magtrabaho. Hindi napigilang maiyak ni Anthony nang balikan ang kanyang pagkakamali at ang kanyang pag-amin.

Read also

Zeinab Harake, naiyak habang nakikinuod ng video nina Cong at Viy

Sobrang nasaktan umano si Jamie at gusto na umano nitong makipaghiwalay. Gayunpaman, ayaw niya daw na masira ang image ni Anthony kaya hindi nito inilabas ang kanilang naging problema.

Gayunpaman, gusto umano ni Anthony na aminin sa lahat ang kanyang pagkakamali at sisikapin niyang maging mas mabuting tao. Aniya, sa kabila ng kanyang nagawang pagkakamali ay tinanggap pa rin siya ni Jamie. Naibahagi din nila na ikinasal sila noong sa huwes sa kasalang bayan noong 2016.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi kaagad umano pumayag ang pamilya nila ngunit pinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.

Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.

Read also

Yeng Constantino, ipinakita ang napakagandang view mula sa kanilang farm

Matatandaang Setyembre noong 2021 nang mag-trending ang mga cryptic post ni Jamie sa social media na naging sanhi ng paglabas ng mga espikulasyon na naghiwalay na silang magkasintahan.

Kamakailan ay kinaaliwan ang naging reaksiyon nila sa pagsagot ni Toni sa kapwa niya content creator na si Vince Flores. Kinantiyawan pa ni Anthony si Rob matapos l;umabas ang balita.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel