Jamie Bautista at Anthony Leodones, trending dahil sa cryptic post ni Jamie

Jamie Bautista at Anthony Leodones, trending dahil sa cryptic post ni Jamie

- Matapos ang sunod-sunod na paghihiwalay ng mga social media at YouTube couples, ikinabahala ng mga tagasuporta nina Jamie Bautista at Anthony Leodones ang mga social media posts ng dalawa

- Tila may pinapahiwatig si Jamie sa kanyang Facebook post kung saan isang broken heart emoji ang kanyang post

- Samantala si Anthony naman ay ilang araw na ring walang post na magkasama sila kaya lalong umigting ang hinala ng kanilang mga fans na may pinagdadaanan nga ang dalawa

-Sina Jamie Bautista at Anthony Leodones ay magkasintahang sumikat sa YouTube at social media dahil sa kanilang mga videos na kinaaliwan ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinabahala ng mga tagahanga ng magkasintahang sina Jamie Bautista at Anthony Leodones ang mga posts ni Jamie sa kanyang Facebook account. Sa sunod-sunod na hiwalayan ng mga social media at YouTube couples, naging palaisipan sa mga tagasuporta nila kung may pinagdadaanan ang dalawa.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Jamie Bautista at Anthony Leodones, trending dahil sa cryptic post ni Jamie
Jamie Bautista at Anthony Leodones (Photo from Anthony Leodones)
Source: Facebook

Tila may pinapahiwatig si Jamie sa kanyang Facebook post kung saan isang broken heart emoji ang kanyang post. Isang makahulugang mensahe din ang kanyang ibinahagi.

When you want different for yourself, You have to start moving different. Old keys don’t unlock new doors

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala si Anthony naman ay ilang araw na ring walang post sa social media account niya na magkasama sila kaya lalong umigting ang hinala ng kanilang mga fans na may pinagdadaanan nga ang dalawa.

Si Jamie Bautista at Anthony Leodones ay magkasintahang sumikat sa YouTube at social media dahil sa kanilang mga videos na kinaaliwan ng mga netizens.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel