McCoy de Leon, nagbahagi ng kanyang baby picture: "Diyan ka lang"

McCoy de Leon, nagbahagi ng kanyang baby picture: "Diyan ka lang"

- Nag-post si McCoy de Leon ng kanyang baby picture kalakip ng maiksi ngunit makahulugang mensahe

- Nakalagay sa caption ng kanyang post ang mga salitang "Diyan ka lang" na tila ba nagpapahiwatig na mas madali at maganda ang buhay nung bata pa siya

- Ito ay kasunod ng makahulugang post ni Elisse Joson kamakailan kaugnay sa aniya'y pinagdadaanan ni McCoy

- Marami din ang nakapansin sa pagkakahawig ni Mc-Coy sa anak nila ni Elisse na si Felize

Nag-post si McCoy de Leon ng kanyang baby picture kalakip ng maiksi ngunit makahulugang mensahe. Nakalagay sa caption ng kanyang post ang mga salitang "Diyan ka lang," na tila ba nagpapahiwatig na mas madali at maganda ang buhay noong bata pa siya.

McCoy de Leon, nagbahagi ng kanyang baby picture: "Diyan ka lang"
McCoy de Leon, nagbahagi ng kanyang baby picture: "Diyan ka lang"
Source: Instagram

Ito ay kasunod ng makahulugang post ni Elisse Joson kamakailan kaugnay sa aniya'y pinagdadaanan ni McCoy. Marami ang nagbigay ng reaksyon at simpatya sa post ni McCoy, na tila nagpapakita ng kanyang pagbabalik-tanaw sa mas payapang panahon ng kanyang kabataan.

Read also

Diwata, umano'y dinumog sa mall: "Namili ako pangsosyal na damit"

Bukod dito, marami rin ang nakapansin sa pagkakahawig ni McCoy sa kanilang anak ni Elisse na si Felize. Ang mga netizens ay nagkomento na tila minana ni Felize ang ka-cute-an ng kanyang ama noong bata pa siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ni McCoy, patuloy siyang nakatatanggap ng suporta mula sa kanyang mga tagahanga at kaibigan sa industriya.

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Read also

Toni Fowler, binahagi ang meme tungkol sa kanyang baby bump update post

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate