Ogie D, piniling di sabitan ng money garland ang anak: "Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo"

Ogie D, piniling di sabitan ng money garland ang anak: "Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo"

- Sa pagbati ni Ogie Diaz sa kanyang anak, pinaliwanag nito bakit di niya ito sinabitan ng money garland

- Matatandaang nauuso ito ngayong panahon ng graduation

- Una umanong inalala ni Ogie ang mental health ng anak sa kung anoman ang posibleng masabi ng publiko ukol dito

- Inihayag din niya ang saya nila ni Mommy Sowl sa pagtatapos ng JHS ni Georgina

Proud parents sina Ogie Diaz at misis nitong si Mommy Sowl sa pagtatapos ng anak nilang si Georgina sa Junior High School.

Ogie D, piniling di sabitan ng money garland ang anak: "Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo"
Ogie, Georgina and Mommy Sowl (Ogie Diaz FB)
Source: Facebook

Sa kanyang socmed post, inihayag ni Ogie ang pagbati sa anak.

"Georgina, anak, congratulations! Senior High School ka na!"

Kalakip nito ang paliwanag kung bakit pinili niyang hindi sabitan ng money garland ang anak kahit pa nauuso ito ngayong panahon ng graduation.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Diwata, ibinida ang ipinaayos na kotse: "Salamat at naging bago yung sasakyan ko"

"Unang-una, ang mental health mo ang concern ko. Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo. Kaya ko namang magpagawa ng maraming ganyan hanggang sa matabunan na ng pera ang mukha mo, pero ayaw kong pagtinginan ka ng mga kaklase mo at gusto kitang bigyan ng kahihiyan kahit hindi mo hingin. Ikaw naman ang iniisip ko, hindi ang kayabangan ko."

Gayunpaman, siniguro ni Ogie ang saya na nadarama nila ni Mommy Sowl sa tagumpay na nakamit ni Georgina lalo na at papasok na ito sa Senior High School.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at napanood na sa ilang mga sitcom at pelikula mula pa noong 90's. Sa ngayon, pinakaaabangan ang kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update kung saan aktibo siyang nagbibigay ng mga balita mula sa mundo ng showbiz.

Read also

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

Kamakailan, tinagurian ng netizens si Ogie Diaz bilang patron ng mga naghihiwalay. Dahil umano ito sa mga naibabalita niya sa kanyang Showbiz Update YouTube channel kung saan makailang beses siyang nagbahagi ng mga espekulasayon ng hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couples na kalaunan ay nakukumpirmang totoo.

Samantala, sa isa sa mga episodes din ng kanyang Showbiz Update channel, napaalalahanan niya ang mga umano'y Gen Z parents lalo na pagdating sa pagdidisiplina ng sariling anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel