Lie Reposposa, nagpasalamat sa lahat ng suportang kanyang natatanggap

Lie Reposposa, nagpasalamat sa lahat ng suportang kanyang natatanggap

- Naghayag si Lie Reposposa ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mensaheng kanyang natanggap

- Ito ay matapos niyang isapubliko ang tungkol sa tunay na dahilan kung bakit siya nangayayat

- Aniya, kahit malayo sa kanya ang mga tagasuporta ay naappreciate niya ang mga pagpapalakas daw ng mga ito sa loob niya

- Kaya naman aniya ay sisikapin niyang gumaling at lumakas ulit

Naghayag ng taos-pusong pasasalamat si Lie Reposposa sa lahat ng mensaheng kanyang natanggap mula sa mga tagasuporta. Ito ay matapos niyang isapubliko ang tunay na dahilan kung bakit siya nangayayat.

Lie Reposposa, nagpasalamat sa lahat ng suportang kanyang natatanggap
Lie Reposposa, nagpasalamat sa lahat ng suportang kanyang natatanggap
Source: Instagram

Ayon kay Lie, kahit malayo sa kanya ang mga tagasuporta, labis niyang naa-appreciate ang kanilang mga pagpapalakas sa loob niya. Aniya, ang mga mensahe ng suporta ay nagbigay sa kanya ng lakas at inspirasyon sa gitna ng kanyang pinagdaraanan.

“Sa inyong lahat maraming salamat po sa pag papalakas lagi ng loob ko malayo man tayo sa isat isa pero na appreciate ko po ang mga salita ninyo,” sabi ni Lie.

Read also

Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana ma-feel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"

Dagdag pa niya, sisikapin niyang gumaling at muling lumakas upang makabalik sa kanyang normal na buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya sisikapin ko po na lumakas ulit in God’s will gagaling po ako and God bless po sa inyong lahat
Lie Reposposa, nagpasalamat sa lahat ng suportang kanyang natatanggap
Lie Reposposa, nagpasalamat sa lahat ng suportang kanyang natatanggap
Source: Facebook

Ang kanyang pasasalamat ay nagsilbing inspirasyon sa marami, na patuloy na nagpapadala ng mensahe ng pagmamahal at suporta para kay Lie.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Matatandaang nag-viral ang paglabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Read also

Otlum, hinamon ang mga CEO ng mga skincare products: "Ako ang pagandahin nyo"

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel