Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana ma-feel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"

Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana ma-feel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"

- Naglabas ng sama ng loob si Lie Reposposa dahil aniya ay na-trigger siya dahil sa komento ng isang netizen

- Sinabi nito na dapat daw ay tulungan ni Lie ang mama niya na magbayad ng utang at magbigay daw ng pagkain sa kanyang mga kapatid

- Katwiran naman ni Lie, nagbibigay naman siya ngunit umabot na rin sa puntong nabibigatan siya na siya na raw ang umako ng lahat

- Dagdag pa niya, ayaw daw sana niyang umabot pa sa pag-post sa social media ang problema at sama ng loob niya sa pamilya ngunit aniya ay sa ganitong paraan lang niya nakikita na mapapakinggan at maiintindihan siya

Naglabas ng sama ng loob si Lie Reposposa matapos siyang ma-trigger ng komento ng isang netizen. Ang nasabing komento ay nagmungkahi na dapat tulungan ni Lie ang kanyang ina sa pagbabayad ng utang at magbigay ng pagkain sa kanyang mga kapatid.

Read also

Lie Reposposa, nagpasalamat sa lahat ng suportang kanyang natatanggap

Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana mafeel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"
Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana mafeel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"
Source: Facebook

Ayon kay Lie, ginagawa naman niya ang kanyang tungkulin bilang breadwinner ng pamilya, ngunit dumating na siya sa puntong nabibigatan na siya sa pag-ako ng lahat ng responsibilidad. “Nakakapagod din. Noong una, gusto ko lang naman tumulong hanggang sa naging obligasyon ko na lahat,” ani ni Lie.

Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana mafeel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"
Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana mafeel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya, ayaw sana niyang umabot pa sa pag-post sa social media ng kanyang mga problema at sama ng loob sa pamilya. Gayunpaman, sa ganitong paraan lang daw niya nakikita na mapapakinggan at maiintindihan siya.

“Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Hindi ko alam kung tama o mali ba itong gagawin ko pero sobra na. As a breadwinner, nakakapagod din... sana ma-feel ko ulit na pamilya ko talaga kayo na tayo ang magtutulungan, hindi nagsasakitan. God bless,” pahayag ni Lie.

Read also

Ninang Bryanboy, kinaaliwan sa kanyang version ng sardinas eating challenge

Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana mafeel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"
Lie Reposposa, naglabas ng saloobin: "Sana mafeel ko ulit na pamilya ko talaga kayo"
Source: Facebook

Sa kanyang post, inilahad ni Lie ang kanyang mga karanasan bilang breadwinner, kabilang ang pagbabayad ng mga utang, bills, at pagbibigay ng groceries para sa kanyang pamilya. Ayon pa sa kanya, ang perang ibinigay niya para sa kuryente at tubig ay hindi napunta sa tamang bayad, na nagdulot ng pagdoble ng kanilang bills.

Sa kabila ng kanyang mga hinaing, umaasa si Lie na maaayos din nila ang kanilang problema at muling maramdaman ang pagkakaisa bilang isang pamilya.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Matatandaang nag-viral ang paglabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Read also

Diwata sa mga vloggers: "Yung iba jan naghihintay lang ng mali na sasabihin ko"

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel