Karylle at Zsa Zsa Padilla, agaw-pansin ang kagandahan sa pagsali nila sa Santa Cruz de Mayo

Karylle at Zsa Zsa Padilla, agaw-pansin ang kagandahan sa pagsali nila sa Santa Cruz de Mayo

- Agaw-pansin sina Zsa Zsa Padilla at Karylle sa kanilang kagandahan at pagiging elegante sa Santa Cruz de Mayo sa Intramuros

- Si Karylle ay nagbahagi ng video sa Instagram na may background music na "Piliin Mo Ang Pilipinas", ipinakita ang makulay na selebrasyon

- Si Zsa Zsa ay bilang Reyna Emperatriz at Karylle bilang Reyna Elena, suot ang mga gown na likha ni Lito Perez, sa isang makabuluhang relihiyosong prusisyon

- Ang Philippine Heritage Society ang siyang nag-organisa ng event na nagdala sa prusisyon sa Manila Cathedral para sa isang sama-samang panalangin

Usap-usapan ngayon sa social media ang mag-inang Karylle at Zsa Zsa Padilla matapos nilang ibahagi ang mga highlight ng kanilang pagsali sa Santa Cruz de Mayo o Sagala sa Maynila.

Karylle at Zsa Zsa Padilla, agaw-pansin ang kagandahan sa pagsali nila sa Santa Cruz de Mayo
Karylle at Zsa Zsa Padilla, agaw-pansin ang kagandahan sa pagsali nila sa Santa Cruz de Mayo
Source: Instagram

Sa Instagram, nag-upload si Karylle ng isang video na may background music na "Piliin Mo Ang Pilipinas". Makikita sa video ang kanilang eleganteng paglahok sa makulay na selebrasyon.

Read also

Rabia Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks

Idinaos ang relihiyosong prusisyon noong nakaraang Linggo sa Intramuros, Fort Santiago. Dito, si Zsa Zsa Padilla ang nagsilbing Reyna Emperatriz habang si Karylle naman ang Reyna Elena. Ang kanilang magagarbong mga gown ay likha ni Lito Perez, isang kilalang designer.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Last Sunday, Mama and I took part in a most meaningful activity called the Santa Cruz de Mayo where we were Reyna Emperatriz y Reyna Elena. The event was held in the Intramuros grounds and the procession led us to the beautiful Manila Cathedral where the group gathered to pray," ani Karylle sa kanyang post.

Ang makulay na pagdiriwang ay inorganisa ng Philippine Heritage Society, at naging isang makabuluhang pagkakataon para sa mag-ina na maipakita ang kanilang pananampalataya at pagmamahal sa kultura at tradisyon ng Pilipinas.

Marami ang humanga at pumuri sa ganda at karisma ng mag-inang Karylle at Zsa Zsa Padilla, na lalong nagpatingkad sa selebrasyon ng Santa Cruz de Mayo.

Read also

Daniel Padilla, nakatakdang dumalo umano sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.

Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan Bang. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.

Naiyak si Karylle sa kanilang larong "Vest in Spelling" sa segment nilang "Palarong Pang-madla" sa It's Showtime. Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest. Bukod sa time pressure, hamon din sa mga host na matandaan ang mga titik sa kanilang harap at likod. Sa tuwing nakakatama sila ay nadadagdagan ang perang iniipon nila para ipamigay tuwing Sabado sa kanilang "Random Acts of Kindness."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel