Daniel Padilla, nakatakdang dumalo umano sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Daniel Padilla, nakatakdang dumalo umano sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

- Nakatakdang dumalo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair si Daniel Padilla

- Ibinahagi ito ng kanyang inang si Karla Estrada sa kanyang Instagram stories kamakailan

- Gaganapin umano ito sa June 7 sa Davao Del Norte

- Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay flagship program ng administrasyong Marcos na naglalayong maghandog serbisyo sa mga less fortunate Filipinos sa iba't ibang bahagi ng bansa

Nakatakda umanong dumalo sa Bagong Pilipinas Fair si Daniel Padilla sa June 7 na gaganapin sa Davao Del Norte.

Daniel Padilla, nakatakdang dumalo umano sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair
Daniel Padilla (Daniel Padilla/ Daniel Rocks Facebook)
Source: Facebook

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories, kinumpirma ito ng kanyang inang si Karla Estrada.

"This is it! See you in Davao del Norte, June 7!" ang caption ng kanyang post.

Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay flagship program ng administrasyong Marcos na naglalayong maghandog serbisyo sa mga less fortunate Filipinos sa iba't ibang bahagi ng bansa

Read also

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, magkasamang dumalo sa prom

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ilan sa mga lugar na kanilang napagserbisyohan ay ang Zambales, Siquijor, Oriental Mindoro, Agusan Del Norte, Benguet at Zamboanga.

Daniel Padilla, nakatakdang dumalo umano sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair
Daniel Padilla (@karalaestrada1121)
Source: Instagram

Si Daniel Padilla ay isang aktor at modelo sa Pilipinas. Anak siya ni Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla. Mas naging matunog ang pangalan ni Daniel nang pumatok sa publiko ang love team nila ni Kathryn Bernardo na kanyang naging totoong kasintahan sa loob ng 11 na taon.

At noong Nobyembre 30 ng nakaraang taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Kathryn sa HLA: "We thought we already said our goodbyes, here we are saying our hellos"

Kamakailan, binati ni Karla Estrada ang anak na si Daniel Padilla sa bagong business venture nito kasama ang kanyang mga kaibigan. Matatandaang si Daniel ang isang mga co-owners ng umano'y mala Disneyland sa Tanauan, Batangas at ito ang J Castles. Ngayon, sa ika-29 kaarawan ni Daniel, ipinasilip din ng kanyang inang si Karla Estrada ang naging selebrasyon nito kung saan dinaluhan din ito ng ilang mga kilalang personalidad na malapit sa puso ni Daniel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel