Paolo Ballesteros at anak na si Keira, magkasamang dumalo sa prom

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, magkasamang dumalo sa prom

- Agaw-pansin ang mag-amang Paolo Ballesteros at Keira sa kanilang pagdalo sa prom ni Keira

- Todo-suporta si Paolo na siyang nagsilbing escort ng anak at nagkaroon pa ng award

- Nakatanggap ng award ang mag-ama at ito ay ang 'Crowned Elegance of the Night'

- Marami ang humanga at pumuri kung gaano ka supportive si Paolo sa kanyang anak

Agaw-pansin ang mag-amang Paolo Ballesteros at Keira sa kanilang pagdalo sa prom ni Keira, na naging usap-usapan sa social media at mga balita.

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, magkasamang dumalo sa prom
Paolo Ballesteros at anak na si Keira, magkasamang dumalo sa prom
Source: Facebook

Todo-suporta si Paolo sa kanyang anak, na siya pang nagsilbing escort ni Keira sa espesyal na gabing iyon. Sa kanilang magarang pagdalo, hindi lang sila basta pumunta kundi nagkaroon pa ng award.

Nakatanggap ang mag-ama ng parangal na 'Crowned Elegance of the Night,' na nagpatunay ng kanilang kahanga-hangang awra at ang kanilang kakaibang presensya sa nasabing okasyon.

Read also

Searchee sa Expecially For You, tinawag na 'Dabarkads' ang Madlang Pipol

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami ang humanga at pumuri sa pagiging supportive ni Paolo sa kanyang anak, na ipinakita ang kanyang pagmamahal at dedikasyon bilang isang ama. Sa kabila ng kanyang abalang schedule, sinigurado ni Paolo na maging bahagi ng espesyal na gabi ni Keira, na nagbigay ng inspirasyon sa maraming magulang at anak na naroon.

Si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV ay kilalang actor, comedian, TV host, model, drag queen, at impersonator. Isa siya sa mga hosts ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Matatandaang naging matagumpay ang inorganisang community pantry nina Pokwang at Paolo sa kanilang lugar. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan ni Pokwang si Paolo at iba pang mga kapitbahay nila na tumulong para sa kanilang community pantry. Naging kwela naman sa mga netizens ang kanilang #pantrysisters hango sa pelikula ng Eat Bulaga host na si Paolo. Kabilang sina Pokwang at Paolo sa dumaraming mga celebrities na nakikiisa sa pag-organisa ng community pantry.

Read also

Lolit Solis, nakatanggap na espesyal na regalo mula kay Manny Pacquiao

Kamakailan, kinaaliwan si Paolo at anak niyang si Keira Claire sa launching ng Drag Race Philippines Season 2. Ibinida ng ina ng kanyang anak na si Katrina Nevada ang video ng mag-ama. Marami ang nakapansin sa ganda nila lalo na ng anak ni Paolo na ngayon ay 14 taong gulang na. Sa kabila ng paghihiwalay nila ay nanatiling naging malapit na magkaibigan sina Paolo at Katrina na magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel