Searchee sa Expecially For You, tinawag na 'Dabarkads' ang Madlang Pipol

Searchee sa Expecially For You, tinawag na 'Dabarkads' ang Madlang Pipol

- Isa sa mga searchee ng Especially For You segment ng 'It's Showtime' ay nabanggit ang 'Dabarkads'

- Ito ay nang magpakilala siya sa Madlang Pipol kaya umani ito ng samu't-saring reaksiyon

- Agad naman itong pabirong sinagot ni Vice Ganda na sinadya niya naman ito para mag-viral siya

- Kinalaunan ay ang searchee na ito ang napili ng searcher na si Jinly

Sa isang nakakatuwang pangyayari sa segment na Especially For You ng 'It's Showtime', isa sa mga searchee ay hindi sinasadyang tinawag na 'Dabarkads' ang Madlang Pipol habang nagpapakilala.

Agad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa audience at mga hosts ng programa.

Searchee sa Expecially For You, tinawag na 'Dabarkads' ang Madlang Pipol
Searchee sa Expecially For You, tinawag na 'Dabarkads' ang Madlang Pipol
Source: Youtube

Habang nagpapakilala sa kanyang sarili, halatang ninenerbyos ang searchee nang bigla niyang mabanggit ang terminong 'Dabarkads,' na kilalang tawag sa mga tagahanga ng katapat na programa, ang Eat Bulaga.

Si Vice Ganda, na kilala sa kanyang mabilis na pag-iisip at pagiging witty, ay agad na nagpatawa sa sitwasyon. Pabirong sinabi niya,"Ito naman gusto pang magpa-viral, bukayo namang sinadya!"

Read also

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, magkasamang dumalo sa prom

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng maliit na pagkakamali, nanatiling positibo at masaya ang searchee, na patuloy na nakipagkulitan sa mga hosts. Kinalaunan, ang searchee na ito ang napili ng searcher na si Jinly.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Dominic Roque, okay at happy daw ilang buwan matapos ang naudlot na engagement

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel