Paolo Ballesteros at anak na si Keira, agaw-pansin ang ganda sa launching ng Drag Race Ph

Paolo Ballesteros at anak na si Keira, agaw-pansin ang ganda sa launching ng Drag Race Ph

- Kinaaliwan si Paolo Ballesteros at anak niyang si Keira Claire sa launching ng Drag Race Philippines Season 2

- Ibinida ng ina ng kanyang anak na si Katrina Nevada ang video ng mag-ama

- Marami ang nakapansin sa ganda nila lalo na ng anakni Paolo na ngayon ay 14 taong gulang na

- Sa kabila ng paghihiwalay nila ay nanatiling naging malapit na magkaibigan sina Paolo at Katrina na magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakasama ni Paolo Ballesteros ang anak na si Keira Claire Ballesteros sa launching ng Drag Race Philippines Season 2. Marami ang nakapansin sa ganda nila lalo na ng anak ni Paolo na ngayon ay 14 taong gulang na.

Paolo Ballesteros, nakasama ang anak na si Keira sa launching ng Drag Race Ph
Paolo Ballesteros, nakasama ang anak na si Keira sa launching ng Drag Race Ph (Paolo Ballesteros Page)
Source: Facebook

Sa TikTok video na binahagi ni Katrina, makikitang magkasama ang mag-ama at nagyakapan pa. Tinanong nito si Paolo kunbg kanino nagmana si Keira at tinuro naman siya ni Paolo.

Read also

Rendon Labador kay MTRCB chair Lala Sotto: "Mag-resign ka na kung hindi mo kaya"

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Gandaaa n keira grabe gnda ng relationship nyo ni Pao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalagang dalaga na si Keira.
Ganda din pala ng mommy ni Keira

Sa kabila ng paghihiwalay nila ay nanatiling naging malapit na magkaibigan sina Paolo at Katrina na magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV ay kilalang actor, comedian, TV host, model, drag queen, at impersonator. Isa siya sa mga hosts ng longest-running noontime show na Eat Bulaga! from 2001 hanggang sa nag-resign siya nitong 2023.

Matatandaang naging matagaumpay ang inorganisang community pantry nina Pokwang at Paolo sa kanilang lugar. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan ni Pokwang si Paolo at iba pang mga kapitbahay nila na tumulong para sa kanilang community pantry. Naging kwela naman sa mga netizens ang kanilang #pantrysisters hango sa pelikula ng Eat Bulaga host na si Paolo. Kabilang sina Pokwang at Paolo sa dumaraming mga celebrities na nkikiisa sa pag-organisa ng community pantry.

Read also

Pura Luka Vega, tuluyan nang kinasuhan dahil sa kontrobersyal na 'Ama Namin' performance

Nagbigay pahayag si Paolo sa pamamaalam din nila sa TAPE Inc. matapos ang TVJ. Aniya, hindi na sila nag-usap usap pa ng iba pang mga 'Dabarkads' na pumirma sa courtesy letter. Tila nagkaroon na umano ng pagkakaunawaan ang iba pang dating mga 'Eat Bulaga' hosts matapos ang desisyon ng tatlo. Sa ngayon, namamahinga muna sila at inaasahang mapapanood muli sa pagbubukas ng programa ng TVJ sa TV5.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel