Toni Fowler, nag-post ng throwback pics upang batiin sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz

Toni Fowler, nag-post ng throwback pics upang batiin sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz

- Binahagi ni Toni Fowler ang throwback pictures niya kasama sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz

- Ito ay upang batiin sila sa kanilang pagpapakasal nito lamang nagdaang Saturday, 18 May sa Tagaytay

- Ani Toni, ang pictures nilang iyon ay noong panahong tuwang-tuwa sila sa kanya dahil si Toni ang nagtuturo ng dance steps nila sa guesting nila sa It's Showtime

- Aminado din si Toni na dahil dito ay pakiramdam niya ay ang tanda niya na

Nagbahagi si Toni Fowler ng mga throwback pictures niya kasama sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz upang batiin ang magkasintahan sa kanilang kasal nitong nakaraang Sabado, Mayo 18, sa Tagaytay.

Toni Fowler, nagpost ng throwback pics upang batiin sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz
Toni Fowler, nagpost ng throwback pics upang batiin sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz
Source: Facebook

Sa kanyang post, makikita ang ilang mga lumang larawan nila ni Nash at Mika noong mga bata pa sila. Sa caption ng mga larawan, ikinuwento ni Toni na ang mga larawang iyon ay kuha noong panahon na tuwang-tuwa sina Nash at Mika sa kanya dahil siya ang nagtuturo ng kanilang dance steps para sa isang guesting sa "It's Showtime."

Read also

Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Syempre hindi nyo na naaalala to goin bulilit pa kayo neto eh way back tuwang tuwa kayo sa sakin kasi isa ako sa nag turo sainyo ng dance steps nyo sa showtime guesting ninyo."

Dagdag pa ni Toni, aminado siyang dahil sa pagbabalik-tanaw na ito ay pakiramdam niya ay ang tanda na niya. "Feeling ko sobrang tanda ko na anyway CONGRATS SAINYO at magkakaron nadin kayo ng bulilit soon "

Marami naman ang natuwa at nagpahayag ng pagbati kina Nash at Mika pati na rin ng suporta kay Toni sa comment section ng kanyang post. Karamihan sa mga tagasubaybay ni Toni ay naantig sa kanyang mensahe at nagpaabot din ng kanilang masayang pagbati sa bagong kasal.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Read also

Paolo Contis: "Habang nagsi-share ka nang nagsi-share, lalo kang pakikialaman"

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel