Paolo Contis: "Habang nagsi-share ka nang nagsi-share, lalo kang pakikialaman"

Paolo Contis: "Habang nagsi-share ka nang nagsi-share, lalo kang pakikialaman"

- Nagbigay pa ng detalye si Paolo Contis kung bakit pinili niyang 'di magsalita sa kasalukuyang kontrobersiya

- Aniya, ang inaalam ng publiko ay hindi naman na kasama sa kanyang propesyon bilang artista

- Naniniwala siyang kung mas maraming malalaman ang publiko, mas lalo umano itong mangingialam sa personal na buhay

- Kamakailan, umugong ang balitang hiwalay na umano sina Paolo at Yen Santos

Sa programang Fast Talk with Boy Abunda, nausisa si Paolo patungkol sa naging reaksyon niya sa espekulasyon umanong hiwalay na sila ni Yen Santos.

Paolo Contis: "Habang nagsi-share ka nang nagsi-share, lalo kang pakikialaman"
Paolo Contism (@paolo_contis)
Source: Instagram

Tanong ni Boy Abunda kay Paolo, bakit pinili nitong hindi magbigay ng anumang detalye ukol sa naturang espekulasyon.

"I think dumating na kasi ako sa point na feeling ko, people think na we owe it to everyone. to share what is happening to you and I believe na it's not part of my acting craft anymore," ani Paolo.

Read also

Mosang, emosyonal na ibinahagi kung gaano kabuting kaibigan si Juday

"Habang nagsi-share ka nang nagsi-share, lalo kang pakikialaman. and respeto sa mga tao sa buhay ko. I think it'e time na 'yung mga pribadong bagay, 'yung mga walang kinalaman sa pag-arte mo o sa craft mo bilang artista, itira mo na 'yun para sa sarili mo," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, walang kumpirmasyon sa kung ano na ba ang kinahinatnan ng estado ng relasyon ng dalawa.

Narito ang buong pahayag ni Paolo mula sa Fast talk with Boy Abunda, GMA Network:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31 ng nakaraang taon.

Read also

Kaila Estrada, one take lang ang 'Bettina' confession scene sa CBML

Naging kontrobersyal ang pahayag noon ni Paolo kung saan nasabi niyang nasasaktan umano sila tuwing masasabihan ng Fake Bulaga matapos na pumalit sa Tito, Vic and Joey bilang host ng programa.

Nang tuluyan nang maipanalo ng TVJ ang titulong Eat Bulaga na siyang ginagamit na muli nila sa kanilang noontime show, pinalitan naman ng Tahanang Pinakamasaya ang programa sa pananghalian na pinangungunahan nina Paolo Contis at Isko Moreno bilang mga hosts. Kalaunan, tinapos na rin ang naturang programa. Hindi nagtagal, nag-contract signing naman ang ABS-CBN at GMA na umano'y nagsanib pwersa sa pagpapalabas ng It's Showtime.

Sa isang panayam kay Paolo, nasabi nitong okay makatrabaho ang mga It's Showtime hosts gayung karamihan sa mga ito ay pawang mga kaibigan niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel