Mosang, emosyonal na ibinahagi kung gaano kabuting kaibigan si Juday

Mosang, emosyonal na ibinahagi kung gaano kabuting kaibigan si Juday

- Naikwento ni Mosang sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, ang tungkol sa kabutihan ng aktres na si Judy Ann Santos

- Lingid sa kaalaman ng marami na malapit na kaibigan ni Mosang si Juday na una niyang nakasama sa seryeng Esperanza

- Sa maraming pagkakataon, natulungan siya ni Juday at inalagaan

- Hanggang ngayon, hindi raw ito nakakalimot sa kanya bagama't bihira na silang magkasama

Naging emosyonal ang komedyanteng si Mosang habang ibinabahagi niya kay Ogie Diaz ang tungkol sa kanyang kaibigan na si Judy Ann Santos.

Mosang, emosyonal na ibinahagi kung gaano kabuting kaibigan si Juday
Mosang, emosyonal na ibinahagi kung gaano kabuting kaibigan si Juday (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Aniya, si Juday ang masasabi niyang totoo sa mga kaibigan niyang nasa showbiz.

Katunayan, naikwento pa ni Mosang ang mga pagkakataong lalo niyang naramdaman ang pagpapahalaga nito sa kanya.

"Si Juday, nakasama ko sa Esperanza 'yan e. Naging close friends kami. Talagang super close kasi inaanak ko 'yung anak niyang si Yohan... And then nag-work ako sa kanya sa mga restaurants niya."

Read also

Zeinab Harake, kumasa sa Marimar trend; inspirasyon si Marian Rivera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Siya lang 'yung artistang, oh my God hindi ko makakalimutan 'yun. Nasa ospital 'yung nanay ko, wala na akong pambayad ng bill sabi ko si Nanay kasi nasa ospital, sabi niya 'wala kang pera?' Sabi ko kailangan ko nang mag-downpayment. Sabi niya, magkano ba kailangan mo? sabi ko, kahit 15,000 lang. That was 20 years ago. Kahit 20,000 lang mare... Magkano ba 'yung bill? O sige, sinulat sa tseke, trenta 'yung binigay."
"Sabi ko mare, sobra 'to. Sabi niya, para kay Nanay"

Naikwento rin ni Mosang ang pagkakataong napansin lang ni Judy Ann na namamaga na ang kanyang paa. Hindi raw ito nagdalawang-isip na dalhin siya sa pagamutan upang ipatingin ito.

"Siya lang 'yung nag-iisang kaibigan na, nakita niyang namamaga na 'yung legs ko whatever, dinala niya ako sa St. Luke's. I've never been to St. Lukes, wala akong pambayad, sabi niya hindi dito ka, magpapagamot ka."

Read also

Kaila Estrada, one take lang ang 'Bettina' confession scene sa CBML

Hindi raw siya basta iniwan ni Juday na nagawa pa siyang alagaan at binayaran din daw nito ang buong bill niya sa ospital.

Naikwento rin ni Mosang nang minsang maoperahan siya at kailangan niyang mamahinga ng dalawang buwan.

Hindi nagdalawang isip si Juday na magpadala ng card para ipambili ni Mosang ng kakailanganin niya sa loob ng dalawang buwang hindi siya makakapaghanap-buhay at may kasama pa umano itong cash.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube:

Si Mosang ay isang aktres at komedyante sa bansa. Sa kabila ng matagumpay niyang pagnenegosyo, patuloy pa ring napapanood si Mosang sa Pepito Manaloto ng GMA.

Samantala, kamakailan ay nakapanayam din ni Ogie Diaz si Claudine Barretto na nakapagbigay detalye sa mga naging kaganapan sa pagkamatay ng dati niyang nobyo na si Rico Yan.

Sa naturang panayam din niya nakiwento na minsan silang naging close ng aktres na si Jodi Sta. Maria na ngayo'y partner umano ng kanyang mister na si Raymart Santiago.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel