Claudine kay Jodi Sta. Maria: "once upon a time talagang sobrang naging close kami"

Claudine kay Jodi Sta. Maria: "once upon a time talagang sobrang naging close kami"

- Nasabi ni Claudine Barretto na minsan niya umanong naging malapit na kaibigan si Jodi Sta. Maria

- Nilarawan pa niya ito bilang close friend niya noon

- Katunayan, nag-organize pa raw siya ng surprise party sa kaarawan nito kahit 8 months pregnant na siya noon kay Santino

- Si Jodi ang kasalukuyang partner ni Raymart Santiago na nasa proseso pa rin ng annulment ang kasal kay Claudine

Sa panayam sa kanya ni Morly Alinio, nabanggit ni Claudine Barretto na minsan niyang naging malapit na kaibigan si Jodi Sta. Maria

Claudine kay Jodi Sta. Maria: "once upon a time talagang sobrang naging close kami"
Claudine kay Jodi Sta. Maria: "once upon a time talagang sobrang naging close kami" (Morly Alinio YouTube)
Source: Youtube

Nausisa siya ni Morly kung magkaibigan nga ba sila ni Jodi na kasalukuyang partner ni Raymart Santiago.

"Noon oo. Pero alam mo, ayaw ko nang palakihin pa kasi, once upon a time talagang sobrang naging close kami. Minahal ko talaga siya, to the point na nagkaroon nga ng surprise birthday party for her birthday. I was 8 months with Santino so hindi na rin naman pa sila naghaharap at all ng mga kids," ani Claudine.

Read also

Barbie kay Alden bilang co-star: "ramdam ko 'yung care niya sa'kin"

Dahil dito, napag-usapan na rin nina Morly at Claudine sa napapabalita umanong balak na pagpapakasal nina Jodi at Raymart.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Alam mo, ayaw ko na sana mag-comment pero paano mangyayari yun, hindi pa kami annuled? Kasal pa kami ni Raymart so Imposibleng mangyari 'yun," giit ni Claudine na sinabing nasa proseso pa rin ng annulment ang kasal nila ni Raymart.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel ni Morly Alinio:

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel