Brenda Mage, napa-back out sa show matapos masabihang di siya angkop sa mga kabataan

Brenda Mage, napa-back out sa show matapos masabihang di siya angkop sa mga kabataan

- Naibahagi ni Brenda Mage ang tungkol sa kanyang karanasan kaugnay sa naka-schedule niyang show na gagawin

- Aniya, nakapost na yung mukha niya para sa event ng lugar nila kaya nawindang siya nang kusapin siya ng mayamang sponsor ng event

- Sinabihan daw siya na hindi siya bagay sa show na iton dahil hindi raw siya angkop sa mga kabataan

- Dahil dito ay nag-back out na lang daw si Brenda sa nakatakdang pagtatanghal niya

Naibahagi ng komedyanteng si Brenda Mage ang kanyang karanasan kaugnay sa isang naka-schedule na show na kanyang gagawin. Ayon kay Brenda, nakapost na ang mukha niya para sa event sa kanilang lugar, kaya't laking gulat niya nang kausapin siya ng isang mayamang sponsor ng event.

Brenda Mage, napa-back out sa show matapos masabihang di siya angkop sa mga kabataan
Brenda Mage, napa-back out sa show matapos masabihang di siya angkop sa mga kabataan
Source: Instagram

Sinabihan daw siya na hindi siya bagay sa show na iyon dahil hindi raw siya angkop sa mga kabataan. Dahil dito, napagdesisyunan na lang ni Brenda na mag-back out sa nakatakdang pagtatanghal.

Read also

Tito Mars, sinagot ang komentong binabastos niya ang pagkain ng mahihirap

Yung nakapost na yung mukha ko para sa Event ng lugar nila.. tapos sasabihan ka ng Mayamang Sponsor ata nila na Di daw ako bagay para sa event dahil di angkop sa mga kabataan.. edi Back out ako hahaha nahiya ako bigla baka maimpliqensyahan ko ng di maganda ang kabataan sa kanila mukhang Good example panaman yung nag post ng mukha ko inyo na yang show nyo sayang ang ganda ko pa naman sa Poster hahaha

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maraming tagahanga ni Brenda ang nagpahayag ng kanilang suporta at pagkadismaya sa nangyari. Ayon sa kanila, ang talento at kasiyahan na hatid ni Brenda ay para sa lahat, anuman ang edad o katayuan sa buhay.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Vice Ganda, isinali si Kim Chiu sa acting challenge na may linyang "Sorry, may mahal na kong iba"

Matatandaang isinapubliko ni Brenda ang tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa kanyang video na binahagi ay makikitang hawak niya ang isang teddy bear na niregalo sa kanya sa kanilang anniversary. Naroroon din ang isang unan na may picture ni Gio katabi ang ilan pang mga malalaking stuffed toy. Nagpasalamat naman si Brenda sa mga alaala nilang pinagsaluhan ni Gio sa halos dalawang taong relasyon nila.

Nag-post si Brenda tungkol sa mga negative comments sa kanya kasunod ng breakup nila ni Gio Sta. Ana. Binahagi niya ang kanyang mensahe kalakip ang kanyang picture na nagpapakita na hindi siya apektado sa mga negatibong komento Aniya, pinagpapasalamat niya ang binigay na mukha sa kanya dahil mga gwapo ang kanyang naging karelasyon. Sa kanyang simpleng pahayag, ipinakita ni Brenda ang kanyang pagiging positibo sa kabila ng mga negatibong komento na kanyang natatanggap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel