Jackie Gonzaga, tinanong daw si Vice Ganda tungkol sa pagsali sa 'Expecially For You'

Jackie Gonzaga, tinanong daw si Vice Ganda tungkol sa pagsali sa 'Expecially For You'

- Nabanggit ni Vice Ganda ang umano'y pagtatanong ni Jackie Gonzaga tungkol sa pagsali sa 'Expecially For You'

- Sa kanilang pag-uusap habang nasa 'Tawag ng Tanghalan' segment, tinanong daw siya ni Jackie kung iba daw ang TF pag sumali siya sa 'Expecially For You'

- Tanong daw niya pag pumayag siya ay may cut pa si Vice Ganda sa magiging TF niya

- Si Vice Ganda ang tumatayong manager ni Jackie na dating backup dancer sa "It's Showtime"

Nabanggit ni Vice Ganda ang diumano'y pag-uusap nila ni Jackie Gonzaga tungkol sa posibilidad na sumali ito sa 'Expecially For You' habang sila ay nasa 'Tawag ng Tanghalan' segment ng It's Showtime.

Jackie Gonzaga, tinanong daw si Vice Ganda tungkol sa pagsali sa 'Expecially For You'
Jackie Gonzaga, tinanong daw si Vice Ganda tungkol sa pagsali sa 'Expecially For You'
Source: Youtube

Sa nasabing pag-uusap, sinabi ni Vice Ganda na tinanong daw siya ni Jackie kung magkakaiba ba ang talent fee kapag sumali siya sa 'Expecially For You' kumpara sa kanyang kasalukuyang TF. Dagdag pa ni Vice, itinanong daw siya nito kung mayroon pa bang cut si Vice Ganda sa kanyang magiging talent fee sakaling pumayag siya.

Read also

Denise Laurel, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ni Deniece Cornejo

Bilang konteksto, si Vice Ganda ang manager ni Jackie Gonzaga, na dating backup dancer sa 'It's Showtime'. Matatandaang kamakailan ay naging emosyonal din si Jackie nang magsabi si Vice Ganda tungkol sa 'walang closure' na relasyon nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel