Mura, emosyonal na humiling ng tulong matapos masunugan ng bahay
- Hindi napigilan ni Mura o si Allan Padua sa totoong buhay ang kanyang emosyon nang muli silang magkita ng vlogger na si Virgelyncares
- Humingi siya ng dispensa sa naturang vlogger dahil aniya sa masasakit na nasabi niya dito
- Muli siyang pinuntahan ni Virgelyncares matapos mabalitaang nangangailangan ito ng tulong matapos masunog ang kanilang bahay
- Lahat ng naipundar ni Mura sa kanyang pag-aartista ay naging abo matapos matupok ng apoy
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Emosyonal si Mura na humingi ng tulong matapos masunog ang kanilang bahay. Hindi napigilan ni Mura ang kanyang mga luha habang humihingi ng dispensa sa vlogger na si Virgelyncares, dahil sa mga masasakit na nasabi niya sa huli.
Nang mabalitaan ni Virgelyncares ang tungkol sa pangyayari, agad siyang pumunta sa lugar upang magbigay ng tulong at suporta kay Mura.
Sa kanilang pag-uusap, ibinahagi ni Mura ang kwento ng kung paano nagsimula ang sunog na tumupok sa kanilang kagamitan.
Labis ang pagkalungkot ni Mura sa nasunog nilang bahay at sa pagkawala ng kanilang mga ari-arian, na tinupok ng apoy. Ang lahat ng naipundar ni Mura sa kanyang pag-aartista ay nasunog at naging abo na lamang.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kasama sa natupok ay ang kanyang play button sa kanyang pag vlog sa YouTube. Hindi na rin daw siya masyadong nakakapag-vlog dahil masakit na ang kanyang paa at hindi siya nakakagalaw nang maayos.
Inabutan siya ni Virgelyncares ng paunang tulong na P10K para ipang bili ng bubong. Muli ay humingi ng tulong si Mura sa mga netizens na nakakapanood ng vlog ng naturang vlogger.
Si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang sumikat nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero.
Nang dumating sa punto na humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko na isang lalaki si Mura. Naging bahagi siya kinalaunan ng ilang Kapuso shows kagaya ng Majika, Captain Barbell, Super Twins, at Magic Kamison.
Matatandaang matapos sumikat ang video ng vlogger na si Virgelyncares, marami ang nakapansin at nais tumulong kay Mura. Kabilang nga sa pumunta sa kanya ay ang dating ka-tandem nito na si Mahal Tesorero.
Naging masaya ang kanilang muling pagkikita. Gayunpaman, napalitan ang kasiyahang iyon ng kalungkutan matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Mahal.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh