Video ni Francine Diaz at bandang Orange & Lemons sa stage, nag-viral

Video ni Francine Diaz at bandang Orange & Lemons sa stage, nag-viral

- Viral ang video nina Francine Diaz at bandang Orange and Lemons sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro

- Makikita sa video na kumakalat sa social media ang pagtawag ng MC kay Francine habang naroroon din ang bandang Orange and Lemons

- Nang kumanta na si Francine, makikitang umalis sa stage ang naturang banda

- Hindi pa rin malinaw kung ano ang dahilan ng kanilang pag-alis kaya marami ang nabuong espikulasyon

Nag-viral sa social media ang isang video ng pagtatanghal ni Francine Diaz kung saan naroroon din ang sikat na bandang Orange & Lemons sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro. Ang naturang video ay agad na bumida sa online world at nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Video ni Francine Diaz at bandang Orange & Lemons sa stage, nag-viral
Video ni Francine Diaz at bandang Orange & Lemons sa stage, nag-viral
Source: Facebook

Sa video na binahagi ng Facebook user ba si Oreo Gml, makikita ang MC na tumatawag kay Francine habang naroon din ang Orange & Lemons sa entablado. Ngunit, kaagad namang umalis ang banda sa gitna ng pagtatanghal ni Francine. Ang eksaktong dahilan ng kanilang pag-alis ay nananatiling palaisipan hanggang sa ngayon, na nagdulot ng iba't ibang espikulasyon mula sa mga netizens.

Read also

Yasmien Kurdi, nagluwal ng pangalawang anak sa pamamagitan ng caesarean section

Ang video ay agad na kumalat sa iba't ibang social media platforms, kung saan nag-trend ito at nagbigay-daan sa mga netizens na magpahayag ng kanilang mga opinyon at teorya hinggil sa pangyayari. Marami ang nagtataka at nag-aabang ng anumang paliwanag mula sa mga sangkot sa nasabing kaganapan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Read also

Jackie Forster, ibinida ang husay sa pagkanta ng anak na si Caleigh

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ring mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel