Taylor Sheesh, sinaktan ng isang lalaki sa Bayambang: "This is traumatic"

Taylor Sheesh, sinaktan ng isang lalaki sa Bayambang: "This is traumatic"

- Kabilang si Taylor Sheesh sa mga inimbitahan na mag-perform sa fiesta sa Bayambang sa Pangasinan

- Sa kasamaang palad ay may taong nanakit sa kanya habang siya ay nagpe-perform

- Aniya, traumatic para sa kanya ang pangyayari at nanginig talaga siya sa ginawa sa kanya

- Gayunpaman, sa isang post ay nagpasalamat si Sheesh kay Mayor Niña Jose Quiambao sa pag-imbita sa kanya sa kanilang pagdiriwang

Aminado si Taylor Sheesh na traumatic ang kanyang naranasan nang saktan siya ng isang lalaki sa Bayambang, Pangasinan. Kabilang siya sa mga naimbitahang mag-perform sa kanilang fiesta.

Taylor Sheesh, sinaktan ng isang lalaki sa Bayambang: "This is traumatic"
Taylor Sheesh, sinaktan ng isang lalaki sa Bayambang: "This is traumatic"
Source: Facebook

Sa isang tweet, sinabi ni Sheesh na nanginginig siya dahil sa ginawa sa kanya.

This is traumatic. Literally. I’m shaking rn.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang post ay nagpasalamat si Sheesh kay Mayor Niña Jose Quiambao sa pag-imbita sa kanya sa kanilang pagdiriwang sa kabila ng nangyari.

Read also

Dianne Medina, ibinahagi ang reaksiyon ni Joaquin sa pinamiling gamit para sa kapatid

Despite of what happened last night, I just want to thanks for the warm welcome Bayambang! Thank you to Mayor Nina Jose Quiambao for inviting us and to my fellow Swifties thank you thank you for coming! Happy fiesta!

Si John Mac Lane Coronel, o mas kilala bilang si Taylor Sheesh, ay isang Filipino drag queen na kilala sa pag-impersonate sa American singer-songwriter na si Taylor Swift. Sa pagbubukas para sa mga kalahok ng RuPaul's Drag Race sa Pilipinas, si Sheesh ay nag-iimpersonate kay Swift mula pa noong 2017.

Ang video ng kamakailang concert ni Taylor Sheesh sa Cubao kung saan umakyat sa entablado ang isang lalaki kasama ang kanyang girlfriend at nagpasyang mag-propose sa entablado sa gitna ng kaganapan ay naging viral. Ang nasabing video ay ibinahagi ulit ng drag queen kung saan sinabi niya na hindi ito scripted at lahat ng mga pangyayari ay totoong nangyari. Sa simula ng video, makikita ang audience na sumasayaw at kumakanta sa tugtog ng "Love Story" ni Taylor Swift nang mapansin ni Sheesh ang magkasintahan at tinawag sila sa entablado.

Read also

Bayambang Mayor Niña Jose, kinondena ang pananakit kay Taylor Sheesh

Ibinahagi ni Taylor Sheesh ang isang video mula sa "The Eras Tour" concert ni Taylor Swift sa Japan. Matatandaang nagbahagi na noon si Sheesh sa social media ng kanyang hangarin na mapanood ang kanyang idolo na mag-perform ng live sa entablado. Sa kanyang pinakabagong post, ibinunyag ni Sheesh na ito ang kanyang unang pagkakataon na mapanood ang concert ni Taylor ng live. Nagpahayag rin siya sa social media ng kanyang damdamin tungkol sa buong kaganapang iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel