Maymay Entrata, nilinaw ang post tungkol sa 'wrong path' na tinahak niya noong 2021

Maymay Entrata, nilinaw ang post tungkol sa 'wrong path' na tinahak niya noong 2021

- Minabuti ni Maymay Entrata na linawin ang tungkol sa kanyang nabanggit na 'wrong path' na tinahak niya noong 2021

- Sa kanyang post sa X, sinabi niyang tungkol ito sa past trauma niya na aniya ay nakasakit sa kanya kaya nakasakit din siya ng ibang tao

- Hiniling niya na huwag itong iugnay sa kanyang past relationship na pinangalanan niyang Aaron

- Matatandaang nabanggit ni Maymay ang tungkol sa pagkakamali niyang ito nang ibahagi niya ang pagpapa-baptize niya

Nagpaliwanag si Maymay Entrata tungkol sa tinutukoy niyang 'wrong path' na tinahak niya na nabanggit niya sa kanyang post. Hiniling niya na huwag itong iugnay sa kanyang past relationship.

Maymay Entrata, nilinaw ang post tungkol sa 'wrong path' na tinahak niya noong 2021
Maymay Entrata, nilinaw ang post tungkol sa 'wrong path' na tinahak niya noong 2021
Source: Instagram

Paglilinaw ni Maymay, tungkol ito sa kanyang past trauma. Dahil raw nasaktan siya ay nakasakit din siya ng ibang tao at maging ang mga taong mahal niya.

Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag explain ng konti about dun sa last post ko sa IG. “I took a wrong path again nung 2021” it was my past trauma po. I was hurt and so I hurt other people even the people I love. I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him. From the bottom of my heart maraming salamat po.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye. Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Lingid sa kaalaman ng marami malapit na magkaibigan pala sina Maymay at Mimiyuuuh. Una umano silang nagkita ni Mimiyuuuh sa Star Magic Ball at simula noon ay nakagaanan nila ng loob ang isa't-isa. Kagaya ni Maymay, madalas umano magsabi ng kanyang problema si Mimiyuuuh sa kaibigan. Kinaaliwan din ang version ng "skrrt" ni Maymay dahil sa kakaibang talento niya sa kanyang braso.

Read also

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

Sa mukbang sa nina Mimiyuuuh at Maymay ay hindi inatrasan ni Maymay ang ilan sa mga nakakaintrigang mga tanong para sa kanya. Kabilang sa natanong ay kung mayroon daw ba siyang hindi magandang karanasan sa isang artista. Hindi naman daw niya maituturing na bad iyon ngunit aniya ay tiningnan siya ng di na niya pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya. Nangyari raw ito noong bago pa lamang sila nakalabas sa Pinoy Big Brother at pumunta siya sa ASAP para makita nang personal ang mga artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel