Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

- Kinaaliwan ang video na binahagi ni Kris Bernal ngayong Easter Sunday

- Ibinahagi niya ang video niya kasama ang asawang si Perry Choi at anak nilang si Hailee Lucca

- Ani Kris, natutunan nila sa kanilang unang Easter Sunday bilang magulang na " life never ends and love never dies"

- Marami naman ang naaliw sa cute na pagtawa ng anak nila na si Hailee na ayon sa mga netizens ay kamukhang -kamukha ng ama

Ibinida ni Kris Bernal ang video nila ng kanyang mag-ama. Ibinahagi niya ang kanilang natutunan ngayong unang Easter Sunday nila na kasama ang kanilang anak.

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama
Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama
Source: Instagram

Aniya, natutunan nilang " life never ends and love never dies".

The very first Easter taught us this: that life never ends and love never dies. ♥️

Matatandaang naibahagi niya kamakailan ang hirap nilang mag-sawa dahil wala pa rin silang makuhang kasambahay. Gayunpaman, aniya ay blessed sila sa maraming bagay.

Read also

Kim Chiu at Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanilang collab

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

We are all blessed in different ways. God has Risen. Happy Easter Sunday! Wishing you had a memorable and peaceful Holy Week with your family and friends as you thanked Jesus for His sacrifices and all His love. / Hailee wearing @mothercareph #TheCHOIs

Si Kris Bernal ay isang kilalang artista sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye at pelikula. Bukod sa pagiging aktres, si Kris ay kilala rin bilang isang modelo at entrepreneur. Isa siya sa mga naging tanyag na kontrabida sa mga palabas, ngunit nagtagumpay din siya sa pagganap ng mga iba't ibang uri ng karakter.

Matatandaang ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram post na nakapanganak na siya. Sa kanilang ika-15 na araw na nakakasama ang anak na pinangalanan nilang Hailee Lucca, pinakilala niya ito sa publiko. Aniya, maituturing niyang most magical days ng kanilang buhay ang makasama ang anak nila ni Choi Perry. Ninanamnam daw nilang mag-asawa ang kanilang oras na makasama ang anak.

Read also

Maymay sa birthday ni Kathryn: "Sobrang masaya akong nakikita kang masaya!"

Naibahagi ni Kris sa kanyang vlog ang behind-the-scenes ng ginawang photoshoot para sa anak nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca. Sa kanyang vlog ay nabanggit niya na 10 araw ang nakalipas mula nang ipanganak niya si Hailee nang ganapin ang photoshoot. Ani Kris, marami ang nagsasabing kamukhang-kamukha ng kanyang mister ang anak nila. Kaya naman ay idinaan na lang niya sa pagdagdag ng kaartehan at kakikayan sa photo shoot para naman daw mayroong mula sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel