Maymay sa birthday ni Kathryn: "Sobrang masaya akong nakikita kang masaya!"

Maymay sa birthday ni Kathryn: "Sobrang masaya akong nakikita kang masaya!"

- Nagkomento si Maymay Entrata sa post ni Kathryn Bernardo patungkol sa katatapos lang niyang kaarawan

- Isa si Maymay sa mga nakasama ni Kathryn sa birthday celebration nito sa Palawan

- Ayon kay Maymay, masaya siyang makita na masaya si Kathryn

- Matatandaang isa si Maymay sa mga nakasama ni Kathryn sa blockbuster na pelikula nila ni Alden Richards, ang "Hello, Love, Goodbye"

Isa si Maymay Entrata sa mga unang nakapagkomento sa birthday post ni Kathryn Bernardo.

Maymay sa birthday ni Kathryn: "Sobrang masaya akong nakikita kang masaya!"
Maymay sa birthday ni Kathryn: "Sobrang masaya akong nakikita kang masaya!" (@lovelyabella)
Source: Instagram

Sa naturang post, makikita ang video ng ilang mga naging kaganapan sa birthday celebration ni Kathryn sa El Nido, Palawan.

"WHAT A DAY! Didn’t want it to end. Keeping these moments in my core memory forever. Thank you for making this my happiest birthday to date. Cheers to 28!" ang caption sa post ni Kathryn.

Isa si Maymay sa mga nakasama ni Kathryn sa espesyal na araw na ito gayundin ang iba pa nilang co-stars sa naging pelikula na Hello, Love, Goodbye.

Read also

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Salamat sa napakaganda mong ngiti bai, sobrang masaya akong nakikita kang masaya! Mahal ka namin bai!!!" ang naging komento naman ni Maymay.

Sa naturang video, makikita rin sina Alden Richards, Jericho Rosales, Joshua Garcia, at Dominic Roque. Gayundin sina Miles Ocampo, Kakai Bautista, Robi Domingo at kanyang misis at maging ang ABS-CBN CEO na si Carlo Katigbak.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Kim Chiu at Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanilang collab

Samantala sa 28th birthday ni Kathryn, isang makabuluhang mensahe ang handog ng kanyang inang si Min Bernardo. Nilarawan niya si Kath na "you haven’t felt okay lately" subalit kahanga-hanga umano ito kung paano bumabangon araw-araw at hindi sumusuko at labis umano niyang na-appreciate ang pagpapahalaga ni Kathryn sa paggabay ng pamilya niya sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel