Andrea Billantes, pinasilip ang kanyang bonggang birthday celebration sa yate

Andrea Billantes, pinasilip ang kanyang bonggang birthday celebration sa yate

- Binahagi ni Andrea Brillantes sa Tiktok ang isang pasilip sa masayang birthday celebration niya na ginanap sa isang yate

- Bukod sa kanilang party, makikita din ang fireworks display habang nanonood sila ng kanyang mga kaibigan

- Ngayong araw ay nagdiriwang si Andrea ng kanyang ika-21 na kaarawan

- Bukod sa mga pagbati ay marami ang nakapuna sa ganda ni Andrea sa binahagi niyang TikTok video

Nag-post si Andrea Brillantes ng isang TIkTok video kung saan pinakita niya ang ilang kaganapan sa kanyang bonggang birthday celebration sa isang yate. Ngayong araw ay nagdiriwang si Andrea ng kanyang ika-21 na kaarawan.

Andrea Billantes, pinasilip ang kanyang bonggang birthday celebration sa yate
Andrea Billantes, pinasilip ang kanyang bonggang birthday celebration sa yate
Source: TikTok

Bukod sa mga pinkna balloons ay marami din ang napa-wow sa pa-fireworks display. Makikita din ang kanilang pagsasaya, kantahan at sayawan nila kasama ang kanyang mga kaibigan.

Bukod sa mga pagbati ay marami ang nakapuna sa ganda ni Andrea sa binahagi niyang TikTok video. Narito ang ilang komento:

Read also

Jamie Bautista, nag-post ng kanyang bagong pictures: "She’s doing better"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasa yatch sila??? wow!!! at ang ganda ng dress ni Blythe para talaga syang princess.
Happy birthday strong in prettiest GEN-Z Queen
Happy birthday strong in prettiest GEN-Z Queen

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel