Jamie Bautista, nag-post ng kanyang bagong pictures: "She’s doing better"

Jamie Bautista, nag-post ng kanyang bagong pictures: "She’s doing better"

- Nag-post si Jamie Bautista ng kanyang mga picture kasunod ng pagsasapubliko nila kamakailan ni Anthony Leodones ng tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Sa kanyang naunang post ay nakalagay sa kanyang caption na mas maayos na ang kanyang kalagayan

- Ang isa namang post niya ay may caption na self love at marami sa kanyang mga followers ang masaya para sa kanya

- Si Anthony naman ay nagbahagi ng mga pictures ni Jamie kalakip ng kanyang mensahe na nami-miss niya na si Jamie

Nagbahagi si Jamie Bautista ng mga pictures niya matapos ang kanilang paghihiwalay ni Anthony Leodones. Sa kanyang post ay pinahiwatig niyang maayos ang kanyang kalagayan.

Jamie Bautista, nag-post ng kanyang bagong pictures: "She’s doing better"
Jamie Bautista, nag-post ng kanyang bagong pictures: "She’s doing better"
Source: Facebook

Samantala, si Anthony naman ay nag-post din upang ihayag ang pangungulila niya kay Jamie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym

isa namang post niya ay may caption na self love at marami sa kanyang mga followers ang masaya para sa kanya.

Matatandaang usap-usapan sina Jamie at ang partner nito na si Anthony matapos magbahagi ng makahulugang mensahe si Jamie. Sinabi nito na hindi lahat ng kwento ay may happy ending.

Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.

Matatandaang binahagi nina Anthony at Jamie ang ilan sa mga pinagdaanan nila sa isa sa kanilang vlog. Naikwento ni Anthony ang tungkol sa pag-amin niya ng kanyang kasalanan na kanyang nagawa noong 2017 pa. Taong 2021 lamang niya umano inamin ang kanyang pagkakamali ngunit gusto niya umamin sa mga taong mahalaga kay Jamie. Naging emosyonal ito dahil sa kabila umano ng kanyang pag-amin ng pagkakamali niya ay pinili ni Jamie na huwag siyang masira sa mga tao.

Read also

John Prats, nag-post ng picture kasama sina Sam Milby at Catriona Gray

Inihayag naman ni Toni ang kanyang kasiyahan na makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony at ang boyfriend niyang si Vince Flores. Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan. Hanggang sa dumating umano sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya. Sa unang pagkakataon ay masaya umano siyang hindi na niya kailangang mamili sa kaibigan at karelasyon dahil magkasundo sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel