Pia Wurtzbach, humiling sa kanyang fans: "Please do not pull other people down"

Pia Wurtzbach, humiling sa kanyang fans: "Please do not pull other people down"

- Humiling si Pia Wurtzbach lalo na sa kanyang fans na tigilan ang pakikipag-away para ipagtanggol siya

- Sa kanyang pinned comment sa isa sa kanyang Instagram post, sinabi ni Pia na hindi niya gusto ang ganito

- Hiling niya na i-respeto ang bawat isa at ang pinaghirapan ng bawat isa at huwag manira ng ibang tao

- Kabilang sina Pia at Heart Evangelista sa mga Pinay na kasalukuyang napapabilang sa mga events sa Fashion week

Minabuti ni Pia Wurtzbach na pakiusapan ang lahat lalo na ang kanyang fans na tigilan ang pakikipag-away para lang ipagtanggol siya. Hiling niya na i-respeto ang bawat isa at ang pinaghirapan ng bawat isa at huwag manira ng ibang tao.

Pia Wurtzbach, humiling sa kanyang fans: "Please do not pull other people down"
Pia Wurtzbach, humiling sa kanyang fans: "Please do not pull other people down"
Source: Instagram

Sa kanyang pinned comment sa isa sa kanyang Instagram post, inihayag ni Pia ang kanyang saloobin.

Hey everyone! I’ve been seeing all these nasty comments, below the belt name calling, and accusations aimed towards others. I think we all need to be reminded that this bickering, pitting women against each other, and pointing fingers isn’t right.

Read also

Alden sa pagkakadawit sa umano'y isyu nina Sam at Catriona: "Hindi po ako nakikiapid"

Aniya, kagaya sa kanyang paalala sa mga fans kahit noong Miss Universe reign niya na huwag manghila ng ibang tao pababa lalo na kung para lang ipagtanggol siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Please stop fighting. I want to ask everyone, my supporters especially, as I always did even years ago during my Binibini or Miss Universe days, please do not pull other people down, lest to defend me. That is not what I want. And that’s not what I stand for. Let’s respect each other and the work being put in by everyone — and not ruin it just because people online can’t get along. There is so much room in this world for everyone to shine.
Pia Wurtzbach, humiling sa kanyang fans: "Please do not pull other people down"
Pia Wurtzbach, humiling sa kanyang fans: "Please do not pull other people down"
Source: Instagram

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015. Bago siya sumali sa mga beauty pageant ay nakilala siya bilang isang aktres.

Read also

Julia, grateful kay Leon: "That was the first time that somebody stood up for me"

Matatandaang bumuhos ang pagbati para kina Pia at Jeremy Jauncey matapos nilang isapubliko ang kanilang engagement. Ibinahagi ng beauty queen ang ilang pictures nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo. Hindi naman malinaw kung kailan naganap ang engagement ngunit base sa caption ni Pia, sa Amanpulo sila nag-celebrate.

Ikinasal na sina Pia at Jeremy at binahagi ito ni Pia sa pamamagitan ng isang Instagram post. Base sa kanyang post, March 24, 2023 sila ikinasal sa North Island of Seychelles. Proud na binandera ni Pia na sila ay opisyal nang sina Mr & Mrs Jauncey.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel