Julia, grateful kay Leon: "That was the first time that somebody stood up for me"

Julia, grateful kay Leon: "That was the first time that somebody stood up for me"

- Laking pasasalamat umano ni Julia Barretto sa pagiging protective ng nakababatang kapatid na si Leon

- Aniya, tila iyon ang unang beses na may nagtanggol umano sa kanya at hindi niya akalaing si Leon pa ito

- Ani Leon, bilang siya lamang ang kaisa-isang lalake sa kanilang pamilya, tila tungkulin niya talagang tumayo para sa mga kapatid

- Aminado rin si Julia na sa ngayon, si Leon ang malapit na kapatid sa kanya

Sa programang Magandang Buhay kung saan naging panauhin si Julia Barretto, sinabi nito na malaki ang pasasalamat niya sa nakababatang kapaitd na si Leon.

Julia, grateful kay Leon: "That was the first time that somebody stood up for me"
Julia, Leon, Marjorie, Claudia, Erich, at Dani (@marjbarretto)
Source: Facebook

Si Leon ang kaisa-isang anak na lalake ni Marjorie Barretto gayung apat na mga babae ang iba pa niyang supling.

At nang mausisa si Julia ukol sa pagiging protective ni Leon, aminado siyang hindi niya akalaing si Leon na ngayon ang gumagawa nito sa kanilang pamilya.

Read also

Tito Vince, umalma sa fake news daw na napilitan lang daw siya kay Toni Fowler

"Grateful of course. Because I feel like, all throughout wala namang naging protector for me. So technically that was the first time that somebody stood up for me. And it was Leon pa like I didn't expect ever in my life that it would be my younger brother. So, e malaki na kasi siya so nagiging protective na siya sa mga girls and he's the only boy"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon naman kay Leon, tila tungkulin na niya ito gayung wala namang ibang hiling ang kanyang mga kapatid kundi ang tahimik na buhay.

"As the only boy in the house I felt like it was my job also to stand up for my sisters naman. Because my sisters naman they don't want issues naman at the end of the day. They just really want peace... I want to do that for them."

Read also

Bianca Gonzalez, nagbalik-tanaw sa engagement nila ng mister

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Magandang Buhay; ABS-CBN/Entertainment:

Si Julia Barretto ay isang aktres sa Pilipinas. Anak siya ng mga artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Minsan na rin niyang nakarelasyon si Joshua Garcia at sa kasalukuyan, nobyo niya ang aktor na si Gerald Anderson.

Matatandaang muling naging usap-usapan si Julia matapos na mag-post ng ama nitong si Dennis Padilla ng mensahe niya para sa mga anak kay Marjorie Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Subalit sa kaarawan ni Dennis ngayong taong 2024, tila isa itong hudyat ng magandang simula ng taon nang makatanggap siya ng mensahe mula sa anak na si Julia. Aminado si Dennis na naging emosyonal siya sa mensahe at sana'y makausap at makasama na rin niya si Julia, maging sina Claudia at Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel