Bianca Gonzalez, nagbalik-tanaw sa engagement nila ng mister

Bianca Gonzalez, nagbalik-tanaw sa engagement nila ng mister

- Nagbalik-tanaw si Bianca Gonzalez sa pag-propose sa kanya ng mister niyang si JC Intal na naganap sampung taon na ang nakakalipas

- Binahagi niya rin ang ilang mga litrato na kuha nang mag-propose ang asawa sa kanya

- Aniya, ito raw ang 'most out of character' na bagay na ginawa ni JC pero maituturing nilang 'best life decision' nila

- Pabiro pa nitong tinanong ang mister kung kaya pa daw ba nito

Binalikan ni Bianca Gonzalez ang pag-propose sa kanya ni JC Intal sampung taon na ang nakakalipas. Aniya, ito raw ang 'most out of character' na bagay na ginawa ni JC pero maituturing nilang 'best life decision' nila.

Bianca Gonzalez, nagbalik-tanaw sa engagement nila ng mister
Bianca Gonzalez, nagbalik-tanaw sa engagement nila ng mister
Source: Instagram

Kalakip ng kanyang mensahe ay ang pictures nila nang maganap ang proposal ni JC habang maraming tao sa paligid nila ang nanonood at kumukuha ng pictures at videos.

TIME FLIES Apparently, ten years ago today, we got engaged!!! To this day, still the most out of character thing my husband has everrr done. But also, to this day, the best life decision we've made!!!

Read also

Sarah Geronimo sa pagpaslang sa asong si Killua: "This news is extremely heartbreaking"

Pabiro pa nitong tinanong ang mister kung kaya pa daw ba nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya pa, @jcintal7?

Si Bianca Gonzalez ay nakilala bilang isang TV host. Naging bahagi rin siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition kung saan naging 3rd place siya. Bukod sa pag-host sa Y Speak, naging host din siya ng Pinoy Big Brother Teen Edition UpLate.

Nakilala din siya bilang isa sa mga "angels" ni Big Brother sa PBB. Kasama niya sina Toni Gonzaga at Mariel Padilla sa mga nakaraang seasons ng sikat na TV show. Gayunpaman, kamakailan nga matapos mag-resign ni Toni sa PBB ay siya ang naatasang mag-host sa naturang reality show.

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Bianca sa pagtatapos ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" Season 10. Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang picture nilang tatlo kasama sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga. Makikita sa video ng pagtatapos ng PBB Kumunity Season 10 ang pag-iyak ni Bianca habang yakap-yakap siya ni Cory Vidanes. Naroroon din si Kim Chiu na nagbibigay ng encouragement kay Bianca.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel