Sarah Geronimo sa pagpaslang sa asong si Killua: "This news is extremely heartbreaking"

Sarah Geronimo sa pagpaslang sa asong si Killua: "This news is extremely heartbreaking"

- Inihayag ni Sarah Geronimo ang kanyang saloobin kaugnay sa pagpaslang sa asong si Killua

- Bilang isang fur parent, kabilang siya sa mga personalidad na nanindigang dapat mapanagot ang pumaslang sa aso

- Ani Sarah, panahon na para manindigan laban sa animal cruelty

- Matatandaang nag-viral sa social media ang post ng amo ng naturang aso kaugnay sa pagpaslang sa kanya ng isang lalaki

Kabilang si Sarah Geronimo sa mga personalidad na nanindigan para makamit ang hustisya sa pagpaslang sa asong si Killua. Bilang isang fur parent, aminado si Sarah na heartbreaking ang nangyari sa asong walang kalaban-laban.

Sarah Geronimo sa pagpaslang sa asong si Killua: "This news is extremely heartbreaking"
Sarah Geronimo sa pagpaslang sa asong si Killua: "This news is extremely heartbreaking"
Source: Instagram

Sa kanyang post, sinabi ni Sarah na napapanahon na para manindigan at mapanagot ang mga taong malupit sa mga hayop na aniya ay kagaya ng mga tao, nakakaramdam din ng takot at sakit.

This news is extremely heartbreaking. Walang kalaban-laban 'yung aso. Katulad nating mga tao, nakakaramdam din sila ng takot at sakit. Every life deserves respect and protection. It's time to demand accountability and raise our voices against animal cruelty.

Read also

Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas ang kanilang relasyon

Let's unite in being the voice for the voiceless.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Killua.. we will fight for you.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng AshMatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.

Read also

Bugoy Cariño, napabilib sa anak: "Mas alam nya pa ung steps saken"

Binati ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal. Sa kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel