Sarah Geronimo, binati ang kanyang Mommy Divine: "Walang hanggan po na pasasalamat"

Sarah Geronimo, binati ang kanyang Mommy Divine: "Walang hanggan po na pasasalamat"

- Binati ni Sarah Geronimo ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo

- sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay

- Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal

- Kalakip ng kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Sarah Geronimo ng madamdaming pagbati sa kanyang mga magulang na aniya ay superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal.

Sarah Geronimo, binati ang kanyang Mommy Divine: "Walang hanggan po na pasasalamat"
Sarah Geronimo, binati ang kanyang Mommy Divine: "Walang hanggan po na pasasalamat" (@justsarahgph)
Source: Instagram

Kalakip ng kanayang mensahe ay nagbahagi si Sarah ng kanyang pictures kasama ang kanyang mga magulang na sina addy Delfin at Mommy Divine Geronimo.

Read also

Moira dela Torre, pinakita na silver ang suot niyang singsing

Superheroes ng buhay ko. I love you nanay at tatay ko.
Happy Mother’s day po mama. Walang hanggan po na pasasalamat para sa walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng -ashmatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.

Read also

Sarah Geronimo, kinabiliban sa kanyang pagperform ng bagong choreography ng Tala

Sinayaw ni Sarah ang kanyang awiting Tala sa kanyang kakatapos lang na concert. Gayunpaman, kapansin-pansin ang ibang choreography ng sayaw niya kesa sa nakasanayang sayaw nito. Sa kabila ng ibang sayaw ni Sarah ay marami pa rin ang bumilib sa husay na kanyang pinamalas. Ito ay sa gitna ng lumabas na isyu tungkol sa napabalitang hindi pagkakaunawaan umano ng kampo ng singer at ni Teacher Georcelle ng G-Force.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel