Moira dela Torre, pinakita na silver ang suot niyang singsing

Moira dela Torre, pinakita na silver ang suot niyang singsing

- Pinakita ni Moira dela Torre ang kanyang suot na singsng sa kanyang audience

- Ito ay b ilang paglilinaaw na hindi siya ang babae na kasama ni Jason Hernandez sa kanyang Instagram story kamakailan

- Aniya, silver ang kulay ng kanyang suot na singsing samantalang gold ang suot na singsing ng babaeng nasa IG story ni Jason

- Matatandaang naging usap-usapan kamakailan amg IG story na ito ni Jason lalo at may mga nakapansin na tila magkaparehas umano ang singsing ng babae sa singsing ni Moira

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Moira dela Torre na silver ang suot niyang singsing. Iba ito sa gold na suot na singsing ng babae na kasama ni Jason Hernandez sa kanyang Instagram story kamakailan.

Moira dela Torre, pinakita na silver ang suot niyang singsing
Moira dela Torre, pinakita na silver ang suot niyang singsing (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Hindi man diretsahang sinabi ay pinakita niya sa kanyang tagapanuod na silver ang suot niyang singsing. Matapos nga magpost ni Jason ay may mga espikulasyong nagkabalikan sila ngunit pinabulaanan ni Moira na siya ang babae sa post ni Jason.

Read also

Sarah Geronimo, kinabiliban sa kanyang pagperform ng bagong choreography ng Tala

-Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel