Sarah Geronimo, kinabiliban sa kanyang pagperform ng bagong choreography ng Tala

Sarah Geronimo, kinabiliban sa kanyang pagperform ng bagong choreography ng Tala

- Sinayaw ni Sarah Geronimo ang kanyang awiting Tala sa kanyang kakatapos lang na concert

- Gayunpaman, kapansin-pansin ang ibang choreography ng sayaw niya kesa sa nakasanayang sayaw nito

- Sa kabila ng ibang sayaw ni Sarah ay marami pa rin ang bumilib sa husay na kanyang pinamalas

- Ito ay sa gitna ng lumabas na isyu tungkol sa napabalitang hindi pagkakaunawaan umano ng kampo ng singer at ni Teacher Georcelle ng G-Force

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinanta ni Sarah Geronimo ang kanyang sikat na awiting Tala sa kanyang concert. Gayunpaman, hindi na kagaya sa dating choreography ang kanyang sinayaw.

Sarah Geronimo, kinabiliban sa kanyang pagperform ng bagong choreography ng Tala
Sarah Geronimo, kinabiliban sa kanyang pagperform ng bagong choreography ng Tala (@matteog)
Source: Instagram

Marami ang bumilib kay Sarah dahil kahit ibang choreography ay kayang-kaya niya kahit ayon sa balitang lumabas ay ilang araw lang niya itong ininsayo. Ito ay sa gitna ng lumabas na isyu tungkol sa napabalitang hindi pagkakaunawaan umano ng kampo ng singer at ni Teacher Georcelle ng G-Force.

Read also

Matteo Guidicelli, proud kay Sarah G: "Congratulations my love"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Sa naikwento ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ay ang pagpapadala umano ni Sarah Geronimo ng pagkain sa kanyang mga magulang. Subalit, hindi raw ito tinatanggap sa gate pa lang ng subdivision na tinitirhan ng mga ito. Maraming beses na umano itong ginagawa ng mag-asawa subalit bigo silang maiparating ito kina Mommy Divine at Daddy Delfin. Matatandang bago halos magtapos ang taong 2022, sinubukan muli ni Sarah na isapubliko ang pagnanais na makasama muli ang mga magulang at pamilya.

Kamakailan ay binahagi ni Matteo Guidicelli ang video na kuha sa pinapatayo niyang gusali na sinimulan umano nitong 2022. Malapit nang matapos ang 2-storey building na may nakalagay na tarpaulin kung saan makikita ang pangalang “G Studios”. Base sa naturang video, ang G Studios ay para sa recording, rehearsals, stage, commercial shoot at iba pang entertainment activities. Bukas din umano ito sa mga business establishments at ilang buwan na lang at matatapos na ito ayon na rin kay Matteo.-

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel