Matteo Guidicelli, proud kay Sarah G: "Congratulations my love"

Matteo Guidicelli, proud kay Sarah G: "Congratulations my love"

- Isa sa mga unang bumati si Matteo Guidicelli sa kanyang misis na si Sarah Geronimo

- Ito ay dahil sa naging matagumpay ang anniversary concert nito na ginanap sa Araneta coliseum

- Si Sarah ay co-director ng sarili niyang show kung saan katuwang niya ang mahusay na direktor na si Paolo Valenciano

- Matatandaang sa loob pa lamang ng anim na araw, sold out na ang tickets ng naturang show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud husband si Matteo Guidicelli sa kanyang misis na si Sarah Geronimo sa katatapos lamang nitong 20th anniversary concert sa Araneta Coliseum.

Matteo Guidicelli, proud kay Sarah G: "Congratulations my love"
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo (@matteog)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na agad na binati ni Matteo ang misis sa pamamagitan ng isang Instagram post ilang oras matapos ang matagumpay na show ni Sarah G.

"Congratulations my love," ang caption sa post ni Matteo kung saan nakasama niya sa entablado ang kanyang misis.

Read also

Matteo at Sarah, handa na umanong magkaroon ng baby bago matapos ang taon

Matatandaang anim na araw pa lamang mula nang ilabas ang tickets sa naturang show ni Sarah ay sold out na umano agad ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahilan para magbukas muli sila ng mga seats at noo'y inakalang magkakaroon pa ng karagdagang araw para sa mga nais pang mapanood at makisaya kay Sarah sa dalawang dekada nito sa showbiz.

Masasabing napakahalaga ng concert na ito lalo na at mismong si Sarah ang isa sa mga direktor ng show kung saan katuwang niya si Paolo Valenciano.

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Read also

Kuya Wil, may concert tour sa USA ani Cristy Fermin: "Mukhang sa June na ito"

Sa isang panayam kay Matteo, sinabi nitong Handang-handa na umano sila ni Sarah na maging 'mommy' at 'daddy' bago sana matapos ang taong 2023.

Marami pa umano silang commitments ni Sarah na dapat gawin kabilang na rito ang matagumpay na 20th anniversary concert ng Popstar Royalty at ang mga gagawing show ni Matteo ngayon na isa na siyang Kapuso. Aniya, iba't ibang makabuluhang shows ang gagawin niya sa GMA na talaga namang kaabang-abang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel