Matteo at Sarah, handa na umanong magkaroon ng baby bago matapos ang taon

Matteo at Sarah, handa na umanong magkaroon ng baby bago matapos ang taon

- Handa na raw na magkaroon ng sariling bundle of joy sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

- Ito ay isa sa mga natanong kay Matteo sa pagbabalik niya bilang isang Kapuso

- Aniya, sa katapusan ng taon handang-handa na silang harapin ang pagiging mga magulang

- Bukod sa pagiging isang daddy, excited na rin umano si Matteo sa mga shows na gagawin niya sa GMA

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Handang-handa na umanong maging 'mommy' at 'daddy' sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Matteo at Sarah, handa na umanong magkaroon ng baby bago matapos ang taon
Sarah and Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa natanong kay Matteo sa pagbabalik niya muli bilang isang Kapuso.

Sa ngayon, marami pa umanong commitments sina Sarah at Matteo sa kanilang career. Isa na rito ang concert ni Sarah ngayong May 12 bilang ika-20 taon niya sa showbiz.

Read also

Janella Salvador, puring-puri ni Regine Velasquez matapos ang kanilang duet

Si Matteo naman, excited na rin sa mga gagawin niyang shows sa GMA.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Four years ago sabi ko, I will start shoosing my projects wisely. Projects that will uplift the Filipino people and tell the stories of the Filipino people so, I think this is the perfect platform and the perfect venue to do it," ani Matteo.

Matapos nga ang mga commitments na ito na maituturing na biyaya sa mag-asawa, ang pagkakaroon naman ng baby ang kanilang inaasahan sa bago matapos ang taong 2023.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Matteo mula sa GMA Integrated news YouTube channel:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Read also

Zeinab Harake, sumabak na sa acting workshop: "Excited po sa next session"

Sa naunang ulat ng KAMI, nabanggit umano nina Cristy Fermin ng Showbiz Now Na! na awang-awa na umano si sa kanyang misis sa sitwasyon nito sa kanyang pamilya. Katunayan, ito pa raw umano ang nagpabura noon ng post ni Sarah na umano'y humihingi pa rin ng tawad sa kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel