Matteo Guidicelli, pinasilip ang pinapatayong gusali na “G Studios”

Matteo Guidicelli, pinasilip ang pinapatayong gusali na “G Studios”

- Binahagi ni Matteo Guidicelli ang video na kuha sa pinapatayo niyang gusali na sinimulan umano nitong 2022

- Malapit nang matapos ang 2-storey building na may nakalagay na tarpaulin kung saan makikita ang pangalang “G Studios”

- Base sa naturang video, ang G Studios ay para sa recording, rehearsals, stage, commercial shoot at iba pang entertainment activities

- Bukas din umano ito sa mga business establishments at ilang buwan na lang at matatapos na ito ayon na rin kay Matteo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Matteo Guidicelli ang pinapatayo niyang gusali na aniya ay para sa recording, rehearsals, stage, commercial shoot at iba pang entertainment activities. Ito ay ang G Studios.

Matteo Guidicelli, pinasilip ang pinapatayong gusali na “G Studios”
Matteo Guidicelli, pinasilip ang pinapatayong gusali na “G Studios” (@matteog)
Source: Instagram

Makikita sa binahaging video ni Matteo na naumpisahan na ang concrete frame ng dalawang palapag na gusali at mayroon din itong division. Ilang buwan na lang at matatapos na ito ayon na rin kay Matteo.

Read also

Chito ng Parokya ni Edgar, inanunsyo ang fundraising events para sa kabandang si Gab

@thegstudiosph is coming soon! Visited our site this morning! Few more months and our project is ready for you! G Studios PH #TheGstudiosPH

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Matteo Guidicelli ay isang aktor, modelo at triathlete. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang serye at pelikula kagaya ng Saturday Night Chills (2013), Can't Help Falling in Love (2017) at Paglaya sa Tanikala (2012).

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Matteo ang kanilang outdoor adventure kasama ang misis na si Sarah Geronimo at ang kanilang mga furbabies. Pumunta sila sa Daraitan sa Tanay, Rizal kung saan sumakay sila sa kabayo at namasyal kasama ang kanilang mga alagang aso. Bilang isa sa mga artistang hindi mahilig magbahagi sa publiko ng kanyang personal na buhay, marami sa mga fans ng mag-asawa ang masaya na makita ang bahagi ng kanilang buhay mag-asawa. Marami sa mga AshMatt fans ang humiling na sana ay mas dalasan ni Matteo na magbahagi ng video nilang mag-asawa.

Read also

Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasamang pumunta sa isang clinic

Sa isang Instagram post, proud na ibinida ni Matteo ang bagong achievement ng kanyang asawang si Sarah. Isa na umano itong ganap na pastry chef matapos niyang mag-aral ng baking and pastry course niya sa Henny Sison Culinary School. Ibinida ni Matteo ang pagiging masigasig ng maybahay kaya "limitless" umano ang mga achievements nito. Matatandaang malimit na pinagmamalaki ni Matteo sa Instagram ang mga luto ng kanyang misis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel