Matteo Guidicelli, proud na ibinida si Sarah Geronimo isa nang pastry chef

Matteo Guidicelli, proud na ibinida si Sarah Geronimo isa nang pastry chef

- Proud na ibinida ni Matteo Guidicelli ang bagong achievement ng kanyang asawang si Sarah Geronimo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Isa na umano itong ganap na pastry chef matapos niyang mag-aral ng baking and pastry course niya sa Henny Sison Culinary School

- Ibinida ni Matteo ang pagiging masigasig ng maybahay kaya "limitless" umano ang mga achievements nito

- Matatandaang malimit na pinagmamalaki ni Matteo sa Instagram ang mga luto ng kanyang misis

Buong pagmamalaking ibinida ni Matteo Guidicelli ang kanyang maybahay na si Sarah Geronimo para sa bago nitong achievement. Isa na itong ganap na pastry chef matapos nitong mag-aral ng baking and pastry course niya sa Henny Sison Culinary School.

Matteo Guidicelli, proud na ibinida si Sarah Geronimo isa nang pastry chef
Matteo Guidicelli at Sarah Gernimo (@matteog)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Cristy Fermin, may kutob sa umano'y motibo ni James Reid bilang manager ni Liza Soberano

Ani Matteo, masigasig umano si Sarah kaya "limitless" umano ang mga achievements nito. Sa kanyang binahaging pictures ay makikita ang pictures nila kasama ang nakababatang kapatid ni Matteo.

Hindi niya maitago kung gaano siya ka proud sa kanyang asawa.

Super proud of you my love!! Officially graduated from baking school!! CONGRATULATIONS! Yesssss “chef sarah” it is!! We are super proud of you! Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you! #proudhusband

Samantala, marami naman ang bumati sa kanila sa bagong achivement na ito ni Sarah:

Omg...sobrang saya ko. Officially "chef Sarah" my gosh...I love you! Popsters are proud of your achievement! Congrats talaga my love..di na siguro ako makatulog nito.
Nakakaiyak talaga! Masaya kami para sayo Sarah! Nakakahappy! Congratulations Soon to be The Master Baker! CHIEF Sarah!
Hindi na sya Coach Sarah .. Chef Sarah na.. Congratulations Sarah G !

Sa kanyang mga naunang Instagram post, palaging binibida ni Matteo ang mga luto at pastries na gawa ng kanyang misis.

Read also

Lalaking kasama ni Jason Hernandez sa viral na picture, umalma

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Matapos niyang maikasal kay Matteo Guidicelli, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang ina.

Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe para sa mga magulang.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel