Lalaking kasama ni Jason Hernandez sa viral na picture, umalma

Lalaking kasama ni Jason Hernandez sa viral na picture, umalma

- Umalma ang lalaking kasama ni Jason Hernandez sa picture na pinost ni Xian Gaza na naging dahilan ng paglabas ng mga espikulasyon

- Nilinaw niyang siya ay mula sa Cornerstone Entertainment Inc. at siya ang handler ng mag-asawa

- Kuha umano ang picture sa flight nila papuntang Dubai para sa event ni Moira doon at mismong siya umano ang kumuha sa naturang picture

- Nakiusap siya sa publiko na umiwas sa mga espikulasyon na hindi nakakatulong sa umano'y napakahirap na sitwasyon na pinagdaraanan ni Moira and Jason

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minabuti ni Mac Merla ng Cornerstone Entertainment Inc. na linawin ang naglabasang espikulasyon matapos mag-viral ang picture nila ni Jason Hernandez. Nilinaw niyang siya ay mula sa Cornerstone Entertainment Inc. at siya ang handler ng mag-asawa.

Lalaking kasama ni Jason Hernandez sa viral na picture, umalma
Jason Hernandez at Moira Dela Torre (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Mismong si Moira umano ang kumuha sa naturang picture habang nasa biyahe sila papuntang Dubai kung saan may event si Moira.

Read also

Jason Dy, napagbuntunan ng netizen na apektado sa hiwalayang Jason at Moira

Nakiusap siya sa publiko na umiwas sa mga espikulasyon na hindi nakakatulong sa umano'y napakahirap na sitwasyon na pinagdaraanan ni Moira and Jason.

Matatandaang lumabas ang mga espikulasyon matapos ibahagi ni Xian Gaza ang naturang picture.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Saw this post of Xian which has become a subject of malicious speculation.
Just for the sake of clarity, for those who do not know us, I am Mac Merla of Cornerstone Entertainment Inc. I am the handler of Jason and Moira. This was taken during our flight to Dubai for Moira's event which was taken by Moira herself.

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog.

Read also

Cristy Fermin sa tweet ni Mo twister ukol umano sa BBM supporters: "Napakayabang"

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Matatandaang nitong Abril ay lumabas ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng isang tweet ay pinabulaanan ni Jason ang tungkol dito. Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.

Ayon naman sa isang source ng entertainment reporter na si Ogie Diaz, nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel