Bugoy Cariño, napabilib sa anak: "Mas alam nya pa ung steps saken"

Bugoy Cariño, napabilib sa anak: "Mas alam nya pa ung steps saken"

- Ibinida ni Bugoy Cariño ang pagsayaw niya kasama ang anak niyang si Scarlet

- Aniya, natulala na lang siya habang tinitingnan ang anak niyang sumayaw dahil aniya ay mas kabisado pa nito ang steps kesa sa kanya

- Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa mag-ama lalo at manang-mana daw si Scarlet kay Bugoy na magaling sumayaw

- Umabot na sa mahigit 6 million views ang TikTok video na ito ng mag-ama

Kinaaliwan ang mag-amang Bugoy Cariño at Scarlet sa isang TikTok video na binahagi ni Bugoy. Aniya, natulala na lang siya habang tinitingnan ang anak niyang sumayaw dahil aniya ay mas kabisado pa nito ang steps kesa sa kanya.

Bugoy Cariño, napabilib sa anak: "Mas alam nya pa ung steps saken"
Bugoy Cariño, napabilib sa anak: "Mas alam nya pa ung steps saken"
Source: TikTok

Marami sa mga netizens ang nagsabing manang-mana kay Bugoy si Scarlet na bukod sa kamukha niya ay magaling din sumayaw. Umabot na sa mahigit 6 million views ang TikTok video na ito ng mag-ama.

Read also

Buboy Villar, kinaaliwan sa kanyang 'harana' sa ex na si Angillyn Gorens

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang buong tapang na inamin ni Bugoy na unang plano nila sa kanilang anak ng dating volleyball star na si EJ. Dala ng kabataan, naisip daw talaga nilang ipatanggal na lang sana ang nasa sinapupunan ng kanyang girlfriend. Subalit dala ng matinding pagdarasal at pagkausap sa kanyang ama, hindi na ito naipagawa ni Bugoy kay EJ. Ngayon, masayang-masaya silang mag-anak kasama ang tatlong taong gulang na nilang anak na si Scarlet.

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng dating child star, masasabing unti-unti na raw siyang nakabangon. Matatandaang naging batang ama si Bugoy, dahilan upang mawalan umano siya ng mga proyekto sa showbiz. Subalit ngayon, nabigyan pa niya ng negosyo ang ama at maayos din ang kinikita niya sa pag-FB stream niya ng kanyang laro. Aniya, tila mas malaki pa nga raw ang sinasahod niya ngayon kaysa noong nag-aartista pa siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel