Buboy Villar, kinaaliwan sa kanyang 'harana' sa ex na si Angillyn Gorens

Buboy Villar, kinaaliwan sa kanyang 'harana' sa ex na si Angillyn Gorens

- Kinaaliwan ang video ni Buboy Villar kung saan kumakanta siya habang naroroon ang ex niyang si Angillyn Gorens

- Sa video na binahagi ng kapatid ni Angillyn na si Veybillyn, kinanta ni Buboy ang awiting ni-request ni Angillyn

- Nilagay pa sa naturang video ang ilang flashback videos noong hindi pa naghihiwalay ang dalawa

- Sina Angillyn at Buboy ay nabiyayaan ng dalawang anak na pinangalanan nilang sina Vlanz at George

Nagpaunlak si Buboy Villar na kumanta habang magkakasama sila ng kanyang ex na si Angillyn Gorens at mga kapatid nito. Sa video na binahagi ni Veybillyn ay kinanta ni Buboy ang awiting ni-request ni Angillyn.

Buboy Villar, kinaaliwan sa kanyang 'harana' sa ex na si Angillyn Gorens
Buboy Villar, kinaaliwan sa kanyang 'harana' sa ex na si Angillyn Gorens
Source: Facebook

Walang humpay naman ang pang-aasar nina Veybillyn at ni Jomar Lovena sa kanila. Matapos kumanta ni Buboy ay lumapit pa ito kay Angillyn at niyakap ang ina ng kanyang mga anak.

Nilagay pa sa naturang video ang ilang flashback videos noong hindi pa naghihiwalay ang dalawa.

Read also

Bugoy Cariño, napabilib sa anak: "Mas alam nya pa ung steps saken"

Narito ang ilang komento ng netizens:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sir jomar galingan mo pa sir para magkabalikan ung bilas mo ...Na c buboy at ung misis nya.. para buo na pamilya ni buboy... GOD bless you more
Mas natawa ko lalo sa throwback nila. Buboy ligawan mo ulit yung pang gentleman ang galawan para naman bumalik sayo.
Kahit ako masaya at nagkita na sila ulit. Lalo na Sa mga bata at nakasama ulit Nila papa nila

Panuoring ang video dito:

Buboy Villar, kinaaliwan sa kanyang 'harana' sa ex na si Angillyn Gorens
Buboy Villar, kinaaliwan sa kanyang 'harana' sa ex na si Angillyn Gorens
Source: Facebook

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel