Tito Vince, umalma sa fake news daw na napilitan lang daw siya kay Toni Fowler

Tito Vince, umalma sa fake news daw na napilitan lang daw siya kay Toni Fowler

- Inalmahan ni Vince Flores ang aniya'y fake news na binahagi ng isang Facebook page

- Sa naturang post ay pinabulaanan niyang sinabi niyang napipilitan na lang siya kay Toni Fowler dahil nanghihinayang siya sa pera

- Ani Vince, magsasampa ng kaso ang kanilang team sa mga patuloy na nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanila

- Binahagi naman ni Toni ang post na ito ni Vince at nagsabing burahin na ang post na ito ng naturang page

Pinalagan ni Vince Flores ang isang post tungkol sa kanila na nagsasabing napipilitan na lang daw siya sa relasyon nila ni Toni Fowler. Nagbabala siyang magsasampa ng kaso sa mga nagpapalaganap ng fake news.

Tito Vince, umalma sa fake news daw na napilitan daw siya kay Toni Fowler
Tito Vince, umalma sa fake news daw na napilitan daw siya kay Toni Fowler
Source: Facebook

Ani Vince, hindi niya sinabi ang mga nakalagay sa post at mahal niya ang kanyang partner.

I didn't make those posts or accusations. I love my partner and will do anything for her. Please don't believe these lies. Spread fake news, and our management will take legal action.

Read also

MUPH 2024 Cebu Mary Josephine Paaske, proud na ibinandera ang tirahan nila ng pamilya niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel